"Ey. It's good to see you" pag bati ni Jack. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang dalawang lalaking kaharap namin ngayon. "Bakit ka naparito?" Tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ni kuya gerald. "May kailangan kasi kaming itanong sainyo" "Sige sa loob ng bahay na natin pag usapan" Pinapasok kami sa loob at pinaupo sa upuan kung saan may lamesa sa gitna. "Inom muna kayo" sabi ng matandang lalaki at may inabot saamin na bote. "Ano ba ang gusto niyong malaman?" Pag uumpisa nung lalaki na kaedad ni kuya gerald. "Tungkol sa totoong nangyari kay Haring Deven" sagot ni Jack. Siya lang ang nakikipag usap sakanila dahil siya lang naman ang nakakakilala sa dalawa. Baka din kasi mauhaw nanaman ako at madamay sila. Medyo nagbago naman ang itsura ng dalawa at naging seryoso.

