"Paano natin mahahanap yung gumawa ng sumpa dito?" "At paano natin mahahanap ang pwedeng makagamot sa kapatid ni Tala?" Nandito kami ngayon at nag uusap ng planong gagawin namin at hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Si Agnes ay may itim na mahikang bumabalot sakaniya. May sumpang kailangan naming alisin at kailangan kong hanapin si Luna at Zack. Magagawa namin ito kung nahanap namin ang nag lagay ng sumpa dito at makakapag alis ng itim na mahika kay Agnes. Damn it! "Pasenysa na pero sa tingin ko ay makakatulong ako." Pagkuha ng atensyon ng reyna saamin. "Sa tingin ko ay nasa mundo sila ng mga tao nagtatago." Wika nila. "Paano?" Tanong nilang lahat. Unti-unti ko namang naintindihan ang lahat. Siguro'y pagkatapos nilang bigyan ng sumpa itong lugar ay nagtago sila sa mundo ng mga t

