Spg alert.. Rocket MALINAW na naririnig ni Rocket ang tinig ng nobya. Pero hindi niya alam kung saan iyon nagmumula. Nananaginip ba siya? "Eon." Mas luminaw ang tinig ni Shein. Pero puro dilim lang ang naaninag niya. Dama niyang boses ng kasintahan ang naririnig niya na paulit-ulit na tumatawag sa kanya. Pero wala siyang makita! "Eon....Sorry—sorry sa nagawa ko.." Dahil sa narinig sigurado siyang nasa malapit lang ang nobya. Naramdaman din niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Dahilan para tuluyan ng magising ang diwa niya. Agad niyang idinilat ang mga mata kahit may antok pa siyang nararamdaman. Pagmulat niya, mukha ni Shein ang natunghayan niya. May luha pa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Sweety.." Tawag niya sa kasintahan na sunod-sunod na humikbi sa

