Rocket
MABAGAL lang ang pag usad ng kotse ni Rocket, tanaw pa niya si Shein. At ng masiguro niya na nakapasok na ito sa malaking gate ng bahay ng mga ito. Saka palang niya binilisan ang pagmamaneho. Dahil ilang blocks lang ang layo ng bahay niya sa mga Farresco, madali lang niyang narating ang bahay niya. Nang maipark niya ang kotse, nagtaka siya ng mabuksan ang pinto ng bahay niya. Sa pagkakatanda niya, alam niyang na i lock niya iyon bago siya lumabas ng bahay kasama si Shein.
Para makatiyak kung may ibang taong nakapasok sa loob ng bahay niya. Hindi siya dumaan sa main door. Sa halip sa likod siya dumaan. Nang makarating sa likod, dahan-dahan siyang humakbang papasok sa kusina.
"What the hell are your doing here, Keejel!?" Galit na tanong niya ng madatnan ang kapatid na nakaupo sa stool sa kusina niya. Tumingin ito sa kanya na hindi man lang nagulat sa pagsulpot niya.
"Eating?" Sagot nito na ikinainis niya.
"I can see that, kaya wag mo akong pilosopohin. Ang sabi ko anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa naiinis na tono na ikinangiti naman nito.
"Kakain lang ako tapos aalis na. Ang sarap nitong pagkain. Ikaw ba ang nagluto?" Saka palang siya lumapit sa kapatid ng mapagtanto ang sinabi nito. Nang makita niya ang nasa mesa. Halos masisimot na nito ang natirang ulam na hinain sa kanya ni Shein.
"Bakit inubos mo?" Sermon niya.
"Meron pa namang konte sa pot. Saka okay lang naman na ubusin ko. Hindi ka naman kumakain ng leftover di ba?" Sagot nito na ikinatalim ng tingin niya dito.
"Lumayas kana sa bahay ko at baka bigla na lang sumulpot dito si Marika! Kailangan kong matulog ng maaga dahil may duty pa ako bukas." Utos niya na ikinatayo nito. Niligpit nito ang pinagkainan at inilagay lahat sa sink. Pero hindi naman ito naghugas ng pinggan. Humarap ito sa kanya at nakangiti na naman siyang tiningnan. May kutob na siya sa sasabihin nito. Pero wala siyang balak na pagbigyan ito. Kasasabi lang nito na aalis na pagkatapos kumain. Kaya dapat na itong umalis.
"Pwede bang dito na muna ako makitulog?" Walang buhay niyang tiningnan ang kapatid.
"Sa pagkakatanda ko, Engineer ka. May sarili kang penthouse, condo at bahay. Kaya bakit dito ka makikitulog? Alam mong ayoko ng istorbo dito sa bahay ko." Salita niya na ikinangiwi nito.
"Eh si Marika kasi, ang daming iniwang bantay sa mga bahay ko. Kaya alam mo na." Kakamut-kamot sa ulo na anito na binaliwala lang niya.
"Hindi ko na problema kung inaabangan ka ng mga inupahang tao ni Marika. Kung ako sayo tigilan mo na ang pagtatago. Sobra na ang perwisyong ibinibigay mo sakin." Galit na wika niya na ikinanguso nito.
Lumabas na siya sa kusina dahil wala na siyang balak na makipag-usap pa ng matagal sa kapatid niyang ubod ng pasaway. Pagod na pagod na siya at ang gusto na lang niya ay ang magpahinga. Marami na siyang sinayang na oras at laway sa pagsasalita. At iyon ang isang bagay na nagpapairita sa kanya.
Hindi siya palasalitang tao. Gusto lang niya ay tahimik na buhay kung saan mas marami siyang oras sa pagtatrabaho kaysa ang pakikipag-usap sa mga taong nuknukan ng pasaway.
Pumanik na siya sa itaas. Nang makapasok sa kanyang kwarto hinubad lang niya ang pang itaas na damit saka sumampa sa kanyang kama. Pero hindi pa man siya pumipikit ng mag-ingay ang phone niya. Inis siyang tumayo at kinuha ang phone niya na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nang mahawakan niya iyon halos mapamura siya ng makita niya ang pangalan ng caller niya.
"B*lls*it!" Marahas siyang napabuga ng hangin bago sagutin ang tawag.
"Dr. Ree si Dad! Inatake! Puntahan mo kami ngayon dito sa bahay please!" Mariin na lang niyang naipikit ang mga mata bago magpasya na puntahan ang bahay ng mga Farresco.
***
"Salamat ng marami Dr. Ree. Pasensya na din sa abala." Kausap sa kanya ng ama ni Shein. Tinanguan niya ang matanda.
"Yung bilin ko po wag nyong kakalimutan. Inumin nyo sa tamang oras ang gamot nyo." Ito naman ang napatango sa mga sinabi niya. Nang matapos niyang gamutin ang matanda, saka palang siya nagpaalam na uuwi na. Palabas na siya ng bahay ng mga Farresco ng lapitan siya ni Chealyn.
"Dr. Ree baka gusto mo munang magkape?" Aya nito na ikinailing niya.
"Hindi na salamat na lang." Tipid niyang sabi. Ang gusto niya ay matulog na lang pero sa klase ng ugaling meron si Chealyn. Siguradong hindi ito makakapayag na basta na lang siyang aalis ng hindi ito napagbibigyan. Inaantok na talaga siya. Anong klaseng kamalasan ba ang nangyayari sa kanya? Buong araw nang sira ang mood niya. Hinarap niya ang dalaga para muling tanggihan, pero nakangiti lang itong kumapit sa braso niya. Hindi naman siya bastos na tao. Pero ayaw na ayaw talaga niya na hinahawakan siya lalo na kung babae.
Nakakairita kasi!
Handa na sana siyang alisin ang kamay nito ng tawagin sila ni Shein.
"Doc Eon? Ate Chea?"
*****
Shein
SABAY na napalingon ang dalawa sa pagtawag ni Shein. Matutulog na sana ang dalaga ng marinig niya ang ingay sa kwarto ng parents niya. At ng silipin niya. Mukang inaatake na naman ang ama niya sa rayuma nito. Pero halos mangiwi siya sa biglang pagtawag ng ate niya sa family doctor nila.
Yung word na inatake ang ama nila ay daig pa nito ang malapit ng mahimatay sa labis na takot. Kahit kita naman niya at nahahalata na umaarte lang ito. Matagal na niyang alam na may gusto ang ate niya sa family doctor nila. Tuwang-tuwa nga ito ng malaman na si Doc Eon na ang magiging doktor ng pamilya nila, Nagpunta pa talaga ito sa parlor para lang magpaganda. Sa totoo lang, siya ang nahihiya sa ginagawa ng kapatid niya. Hindi naman na kasi nito kailangang tawagan pa si Doc Eon. May stock pa namang gamot ang ama nila. Pero mukang hindi yata makakatulog ang Ate niya ng hindi nakikita o nasisilayan ang guwapo nilang doktor.
Lalo na ang masolo ito.
Napailing-iling siya ng makita ang Ate niya na humabol pa kay Doc Eon. Gabing-gabi na mang aalok pa ng kape. Kahit paano naman, kahit pasaway siya at hindi nakukontento na hindi naaasar o nabubwesit si Doc Eon. May konsensya naman siya at konsidersyon. Alam niyang hating gabi na kaya dapat nagpapahinga na ang binata. Late na nga itong kumain ng dinner. Inabala pa ng ate niya.
Napailing-iling ulit siya bago lapitan ang dalawa.
"Ate bakit nasa labas ka pa? At ikaw Doc, bakit hindi ka pa umuuwe?" Magkapanabay na tanong niya sa dalawa. Pero sinimangutan lang siya ng kapatid.
"Inaaya ko lang magkape si Doc bilang pasasalamat sa effort nya sa pagpunta dito sa bahay para gamutin si Dad." Sagot ng ate niya na ikinailing niya. Pero hindi siya kumbinsido sa sagot nito, paniguradong may iba pa itong binabalak. Lumapit siya sa dalawa at nakangiting tiningnan ang kapatid na panay ang senyas sa kanya na umalis. Na binaliwala naman niya.
Lakas loob niyang inalis ang kamay ng ate niya sa braso ng binata at hinila ang kapatid sa tabi niya. Nakangiti niyang binalingan ang doktor.
"Sige na Doc uwi na, salamat ulit sa pagpunta mo. Goodnight Doc!" Hindi na niya inantay na magsalita ang binata dahil tumalikod na siya habang akay ang ate niya na panay ang lingon sa gwapong doktor. Nang makapasok sila sa loob ng bahay. Inis siyang sinimangutan ng Ate niya.
"Panira ka talaga ng gabi Shein!" Galit na anito na sinagot naman niya ng..
"Goodnight din Ate." Nakangiting salita niya bago umakyat papunta sa kwarto niya. Pagod na siya at gusto na din niyang matulog.
Para bukas may lakas ulit siyang bwesitin si Doc.
Haha...
****
Rocket
KAHIT late na siyang natulog, maaga pa din siyang nagising para pumasok sa ospital. Marami ang pasiyente na dapat niyang bigyan ng maraming oras. Pababa na siya para magtimpla ng kape ng mahagip ng mga mata niya si Keejel na nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ang kapatid at tinapik ang balikat nito.
"Get out!" Utos niya ng imulat nito ang mata.
"Kuya? Good morning!" Masayang bati nito na ikinatalim ng mga mata niya.
"Walang maganda sa umaga, out! Bilis na!" Matigas na utos niya.
Tumalikod siya papunta sa kusina para maghanda ng almusal niya. Nadatnan niya roon na nakaayos na ang mesa at may nakahain ng pagkain. Nilingon niya ang kapatid. Na alam niyang nakasunod naman sa kanya.
"Kuya, pinagluto na kita. Alam ko kasing maaga kang papasok ngayon."
Nakangiting anito na ikinasingkit ng mga mata niya.
"Sinusuhulan mo ba ako Keejel?"
"Effective ba?" Nakangising tanong nito.
Sa halip na sagutin ito. Umupo na lang siya at sinimulan ng kumain.
"Linisin mo ang buong bahay pag-alis ko. Wag kang basta magpapapasok ng hindi mo naman kilala." Bilin niya matapos makaupo na ikinatango nito nang sunod-sunod. Lumapit ito ng bahagya sa pwesto niya saka siya kinausap.
"Kung ganun, payag kana ba na dito muna ako?" Nakangisi pa din ang mukha na tanong nito. Tinapunan lang niya ito ng tingin bago muling nagpatuloy sa pagkain. Hindi na niya ito kailangang sagutin dahil alam naman na nito ang isasagot niya. Dumistansya na sa kanya si Keejel at sinabayan na din siyang mag almusal. At ng matapos siyang kumain, tumayo na siya para pumanik sa kwarto niya. Kukunin lang niya ang lab coat at aalis na. Nang paakyat na siya, liningon ulit niya ang kapatid.
"May natira pa ba sa ulam ko kagabe?" Tanong niya na ikinatango nito.
"Meron, may konti pang adobo. Pero yung sinigang at afritada naubos ko na, ang sarap kasi." Sagot nito na tinanguan niya. Pero bago pa niya talikuran ang kapatid. Nagbilin pa siya na ikinamaang nito.
"Pakiinit at babaunin ko sa ospital." Hindi na niya ito hinintay na magsalita dahil umakyat na siya sa hagdan. Alam kasi niya na uusisain siya ng kapatid. Hindi naman kasi talaga siya kumakain ng leftover na pagkain.
Ewan niya pero, nasarapan din naman siya sa luto ng makulit na bata.
saharazina