Shein NAMUMULA ang pisngi ni Shein at hindi maiwasang makaramdam ng hiya habang nakatingin kay Doc Eon. Ang ibig niyang sabihin sa kanyang nobyo. "S-sorry talaga hindi ko sinasadya." Aniya sa binata na mataman lang na nakatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Tapos na silang mag almusal. Pero hindi sila umalis ng bahay nito dahil sa pagkakamaling nagawa niya. Paano niya kasi nagawa ang ganoong bagay!? "I understand, pero may magagawa pa ba ako?" Napangiwi siya sa naging pahayag nito. Halata ang hinampo nito sa kanya. "Sorry talaga, hindi ko naman kasi akalain na magagawa kong kalimutan ang lahat." Nahihiya pa ding aniya. "Don't worry about it. Nabigla ka rin siguro sa mga sinabi ko. Pero next time if you need someone to talk to, call me. And please wag mo na ulit g

