Rocket TATLONG araw na sa Laguna si Rocket kasama ang magkasintahang Arick at Althea. Pero wala pa din silang nakikitang bakas na makakapag turo kung na saan ang nobya niya. "Sa palagay mo ba, mahahanap ko pa sya?" Tanong niya kay Arick na pareho niyang nakasalampak na nakaupo sa sahig sa sala ng inuukupa nilang hotel, habang sabay na umiinom ng alak. Tumungga muna si Arick sa hawak nitong bote ng beer bago siya sagutin. "Girlfriend mo si Ms. Jacob. Nakikita ko naman kung gaano mo sya kamahal. Kaya ginagawa mo ang lahat para mahanap lang sya. Kaya alam ko, magkikita rin kayo ulit. Tiwala lang Rocket, malalagpasan mo din ito." Tipid niyang nginitian si Arick. Saka tumitig sa mga mata nito. "Sa tingin mo, naiisip din kaya ako ni Shein? Sa palagay mo ba na mimiss din nya ako? Kasi alam mo

