Nang dakmahin ni Lilith ang braso ni Scylla ay walang magawa si Ezrah. He felt like something was killing him from the inside that he could hardly move and was glued to the ground. Nakasubsob lang siya sa paanan ni Lilith. Sa kabila ng panghihina ay pilit niyang hinawakan ang paa nito. Sinulyapan siya ng babae. “Huwag kang mag-alala, Ezrah, isasama kita.” Her eyes glittered dangerously, a glow of fiery yellow lit in her eyes. And he knew he had seen her before. Hindi sa panahon ni Sammaella kundi sa modernong panahon. He wondered why she never showed up all these years but he might be wrong. He was so wrong. May palagay siyang nasa malapit lang ito palagi. Tumawa si Lilith, tila nabasa ang iniisip niya. “Yes, Ezrah. Nasa malapit ako. Closer to you than you think.” Yumuko ito at idinampi

