Chapter 1

2050 Words
“Ang cute naman ng anak niyo, Apple,” sabi ni Dylan habang karga-karga ang anak ni Apple. Nandito sila ngayon sa hospital at dumadalaw sa mag-asawa. Kakapanganak pa lang kasi ni Apple sa ikalawa nitong anak nila ni Aiden. Napangiti siya nang tumawa ang baby saka hinawakan ang kamay niya. Napangiti naman siya. Parang may humaplos sa puso niya habang nakatingin sa ngumingiting baby. Pakiramdam niya ay gusto na din niya ng pamilya. “Mag-asawa ka na kasi para may anak ka na din,” biro ni Wyatt na nakaupo sa sofa habang kumakain ng saging. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “At bakit mo naman ‘yan kinakain? Dinala ko ‘yan para sa pasyente. Ikaw ba ang pasyente?” Napanguso naman ito. “Para isa lang, eh.” Napailing na lang siya saka muling tumingin kay Miracle, ang anak nina Aiden at Apple. “At saka hindi ko pa nahahanap ang babaeng papakasalan ko.” “Papaano mo naman mahahanap kung sino-sino lang babae ang kasama mo,” pamimilosopo naman ni Wyatt. Kung wala lang siyang hawak na bata ay baka binatukan na niya ito. Kung makapagsalita kasi ay akala mo hindi din dating womanizer. Tumino lang naman ito nang ipakasal ito kay Madison. Kung hindi nangyari ang kasunduan na ‘yon ay baka hindi pa tumino ang loko. “Tumahimik ka, Wyatt, at ang buhay mo ang isipin mo at huwag ang buhay ko.” Muli itong napanguso. “Saka tumigil na ako sa pagiging womanizer, no?” “Hindi nga?” “Oo nga. Gusto ko kapag nakita ko na ang babaeng papakasalan ko ay nagbago na ako. Ayaw kong may issue kami kapag naging kami.” “Naks! Sana all.” Sinamaan niya ito nang tingin pero tumawa lang ito. “May napupusuan ka na ba?” tanong naman ni Apple dahilan para mapatingin siya dito. Ngumiti siya sa kaibigan saka ngumiti. “Hindi pa siya dumadating, eh, but I can feel it. Malapit na siya.” Isinayaw niya si Miracle nang makita niyang inaantok na ito at hindi nga nagtagal ay nakatulog ito sa kandungan niya. Hindi na din sila nagtagal dahil kailangan din magpahinga ni Apple. Dumiretso na siya sa kanyang condo at pabagsak na nahiga sa kama. Minsan kasi ay sa condo unit siya umuuwi, minsan naman sa bahay nila. Tulala siyang nakatingin sa kisame. Lahat ng mga kaibigan niya ay may mga sarili ng pamilya. Si Zaver na masaya nang kasal sa asawa nitong si Sky, kasama ang dalawa nitong anak. Si Aiden naman na ikakasal na at masayang kasama ang dalawa nitong anak kay Apple. Si Wyatt na masayang kasama ang asawa nitong si Madison habang siya? Napailing na lang siya. Mukhang napag-iiwanan na siya ng mga loko. Sa totoo lang ay gusto na niyang mag-asawa at magkaroon ng pamilya na maitatawag niyang sarili niyang pamilya, pero papaano? Wala pa siyang babae na napupusuan, he was trying to find her, pero hindi niya maramdaman ang pagtibok ng mabilis ng puso niya kapag nakatingin sa isang babae gaya nang sinasabi ng mga kaibigan niya. Kailan niya kaya makikita ang babaeng ‘yon? Sana naman hindi pa siya senior kapag nagtagpo na ang landas nila. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone niyang nagri-ring. Sinagot niya ito nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Hello, this is Dylan Dewis. Who’s this?” “Who’s this your face! Hindi mo na ba nakikilala ang ina mo?” Mabilis niyang tiningnan ang screen ng cellphone para basahin ang pangalan at ang mommy nga niya ito. Muli niyang ibinalik sa tenga ang cellphone. “Sorry, Mom, hindi ko kasi tiningnan. What’s up?” “May dinner tayo bukas with your father’s business partner.” “Kailangan pa ba ako diyan?” “Of course. Kailangan mong sumama dahil ikaw din naman ang magmamana ng kompanya ng daddy mo.” Kung kaharap niya ang ina niya ay tiningnan na niya ito ng hindi naniniwala. “Don’t look at me like that, young man.” Nagulat na lang siya sa sinabi nito. “What did I do? At anong tingin?” “I know you. Alam ko kung anong tingin mo sa akin ngayon.” Napahawak na lang siya sa kanyang noo. Kilala na talaga siya ng ina niya. “Anyway, it’s just business. Nothing less. I promise.” NAPABUSANGOT ang mukha ni Dylan habang nakatingin sa mesa kung nasaan ang mommy at daddy niya. Kaharap nito ang business partner nito na kasama ang asawa at anak nitong babae. Lihim siyang napasapo sa noo. Dapat talaga hindi siya naniwala sa sinabi ng ina niya. “Dylan, Baby.” Agad siyang sinalubong ng ina nang makita siya. “Mabuti naman at nakarating ka na. Nakakahiya naman sa mga kasama natin, ikaw na lang ang hinihintay.” “That’s okay, Mare,” sabi ng ginang na kaedad lang ng mommy niya. “Good evening po. I’m sorry for being late. I am Dylan Dewis.” Nakipagbeso siya sa ginang habang nagkipagkamay naman siya sa ginoo. Nagpakilala naman ang mag-asawa sa kanya. “I’m Nyebe Reliente, this is my husband Jude, and this is our daughter, Nine.” Kinuha niya ang kamay nito saka hinalikan dahilan para mamula ang mukha nito. “Good evening, Miss Nine.” “N-Nine na lang.” Inipit nito ang takas nitong buhok sa gitna ng tenga nito. Ngumiti siya dito saka umupo na din sa kaharap nitong upuan. Nagsimula na din silang kumain nang dumating ang order nila. Habang kumakain sila ay nag-uusap ang mga lalaki tungkol sa business nito habang ang mga ginang naman ay nag-uusap tungkol sa mga hilig nito habang sila naman ni Nine ay tahimik lang na kumakain. “Balita ko ay single ka pa din hanggang ngayon, Hijo.” Napatingin siya sa mommy ni Nine. Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng labi niya bago nagsalita, “Yes po.” “Naku, sa gwapo mong ‘yan ay wala ka pa ding girlfriend?” “I appreciate that po, Tita, pero sa ngayon kasi ay hindi ko pa nakikita ang babae na para talaga sa akin.” “Baka naman kasi nasa harap mo na siya,” sabi nito saka lihim na tumingin sa anak nito. “Alam mo bang single din ang anak ko?” “Oh my! Really?” gulat na sabi ng mommy niya. “That’s great! I mean, bakit hindi niyo subukan ang isa’t-isa? Malay niyo ay kayo ang nakatadhana.” Nakita niya ang pamumula ng pisngi ni Nine saka napayuko. “Huwag na muna natin madaliin ang mga bata, Mare.” “Oo nga din pala. Sila pa din naman ang magdedesisyon ng kaligayahan nila,” tatango-tangong sabi ng mommy niya. Kahit na araw-araw siya nitong pinagsasabihan tungkol sa pag-aasawa ay hindi naman siya nito pinipilit. Ayaw kasi nitong makialam sa buhay niya. Gusto nitong siya mismo ang pumili ng babaeng papakasalan niya dahil alam ng ina niya na mas magiging masaya siya kapag siya mismo ang pumili at kapag mahal niya ang babae. Siguro ay ayaw din nitong magaya siya sa nangyari kay Aiden na kinamuhian ang ina dahil sa pagtutol nito. DUMAAN ang oras ay napagdesisyonan nilang umuwi na. Naglalakad na sila sa parking lot ng restaurant. “May dala ka pa lang sariling kotse, Hijo?” tanong ni Nyebe, ang ina ni Nine. “Yes po.” Kumunot ang noo niya ng mapansin niyang nagkatinginan ang dalawang ginang at sa tingin pa lang niya sa dalawa ay alam na niya kung ano ang iniisip ng mga ito. “Ang mabuti pa, Anak, ay ikaw na ang maghatid kay Nine,” sabi ng mommy niya. Tama nga ang hinala niya. “Why me?” Turo niya sa sarili. “I mean, kung pwede naman siya sumabay sa kanila.” Pinandilatan siya ng mga mata ng ina niya dahilan para mapakamot siya sa batok. “Bakit hindi? At saka mas mabuti na ‘yong mag-usap din kayo para malaman niyo ang tungkol sa isa’t-isa.” “Why?” “Anong why?” Mas lumaki ang mga mata nito. “That’s it! Ihatid mo si Nine sa kanila. Tapos ang usapan.” Wala na siyang nagawa nang umalis na ang mga magulang nila. Napagbuntong-hininga na lang siya dahil sa dalawa. “I’m sorry about that.” Napatingin naman siya sa dalaga na ngayon ay nakayuko. Napapansin niyang palagi itong nakayuko. Mahiyain ba ito? Napasuklay na lang siya sa sariling buhok. “It’s okay.” Napatingin ito sa kanya ng may gulat. “H-Hindi ka galit?” Nagtaka naman siya sa sinabi nito. “Bakit naman ako magagalit?” Nagsimula na silang maglakad papunta sa kotse niya. Medyo malayo kasi ang pinag-parking-an niya ng kotse niya. “Baka kasi naging abala ako sa ‘yo. Isa pa, halata naman na pinarereto nila tayong dalawa sa isa’t-isa.” Natawa naman siya. “Ahh, ‘yon ba? Sanay na ako na palagi akong nirereto ni mommy sa mga babae, pero hindi naman siya namimilit.” “Mabuti ka pa. Si mommy kasi gusto niya yong mga kagaya mo.” Napatingin siya dito. Huminto na sila sa paglalakad dahil nasa tapat na sila ng kotse niya. Muli nitong inipit ang buhok sa gitna ng tenga nito. “Ang totoo niyan ay may boyfriend na talaga ako, matagal na kami pero hindi alam nina mommy.” HINDI na muna hinatid ni Dylan si Nine sa bahay nito at tumambay muna sila sa isang coffee shop para magpatuloy sa kwentohan nila. Nakikita niyang mabait ito kaya komportable siyang kasama at kausap ito. Pakiramdam niya din ay kailangan nito ng kausap. “Bakit hindi mo subukan na ipakilala siya sa parents mo? Malay mo naman magustohan nila. Besides, mas importante naman sa mga magulang ang kaligayahan ng mga anak nila.” Ngumiti ito pero nakikita niyang may halo itong lungkot. “How I wish ganyan din mag-isip ang mga magulang ko, pero hindi, eh.” Uminom muna ito ng kape bago muling nagsalita, “Gusto ng mga magulang ko na mag-asawa ako ng mayaman para mas makatulong sa negosyo namin. Yong boyfriend ko naman ay hindi mayaman kaya alam ko na hindi nila magugustohan si Drew.” Napatango-tango naman siya. Akala niya talaga noon ay lahat ng magulang ay kagaya ng sa kanya, na hahayaan siya kung saan siya masaya dahil mahalaga sa mga ito ang kaligayahan niya. Hinahayaan siya ng mga ito dahil nasa tamang-edad naman siya at alam niya ang tama sa mali. He never disappoints them, well, except for giving them a grandchild. Pero mas na-realize niya na hindi lahat ng mga magulang ay gaya ng kanya dahil sa nangyari sa kaibigan niyang si Aiden. Kahit pa kasi alam nito na ang kaligayahan ng kaibigan niya ay si Apple ay tinutulan pa din ng ina nito kaya nagkagulo tuloy. Anyway, that was before. Masaya na siya sa dalawa dahil pagkatapos ng mga nangyari ay masaya na ang dalawa at isang buwan na lang ay ikakasal na ang mga ito. “Ikaw ba? May girlfriend ka na?” tanong nito sa kanya. “I heard you’re a womanizer, so I guess, marami?” Naiiling siya habang natatawa. “Well, that was before.” Tiningnan siya nito nang hindi naniniwala. “Hindi nga? I mean, nagbago ka na?” Tumango naman siya bilang sagot. “Bakit? May nakilala ka na bang babae na nakapagpabago sa ‘yo?” Umiling naman siya. “Wala pa. Actually, naisipan kong magbago kasi gusto ko na din magkapamilya, ang problema lang ay hindi ko pa siya nahahanap.” “Bakit bigla mong naisip ‘yan?” Uminom siya ng kape saka napatingin sa labas ng coffee shop. “Masaya na kasi ang mga kaibigan ko sa mga pamilya nila. Nakikita ko ang saya sa mga mata nila and I want to feel that too. Yong may sarili din akong pamilya na matatawag kong akin.” Hindi niya napansin na nakangiti na pala siya habang ini-imagine ang sarili na kasama ang babaeng mamahalin niya at ang mga magiging anak nila. What a wonderful dream. “Dadating din siya.” Napabaling siya kay Nine. Ngumiti ito sa kanya. “At alam ko na magiging maswerte siya sa ‘yo dahil alam nararamdaman kong mabait ka at nakikita kong mamahalin mo siya ng lubos.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD