Tulalang nakatingin sa kawalan si Alasyha. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip niya ang ginawa ni Dylan sa kanya nang halikan siya nito sa Ferris Wheel kagabi. Napasabunot na lang siya sa sariling buhok dahil parang mababaliw na siya. Dahil sa halik na naman ng binata ay hindi na naman siya pinatulog nito. Ilang halik pa ba ang ibibigay nito sa kanya dahilan para hindi na naman siya makatulog? Kapag talaga ito nagpatuloy ay mababaliw na siya at magmumukha na siyang zombie dahil sa itim ng ilalim ng mga mata niya sanhi ng hindi siya makatulog. “Hoy, nababaliw ka na naman ba?” Napahawak naman siya sa batok niya nang batukan siya ni Nicole. Kanina pa nito napapansin ang pagiging lutang niya kaya binatukan na siya nito para magising. “Kanina ka pa, ah. Napapansin ko na kanina ka

