Nakatitig si Alaysha sa binata na nakangiting nakatingin sa mga empleyado, ang binatang kanina lang ay hinalikan siya sa kusina. Lihim siyang napahawak sa kanyang labi na hanggang ngayon ay nararamdaman pa din niya ang malambot nitong labi. Napapikit siya nang mariin dahil ngayon niya lang nalaman na katrabaho pa pala niya ang lalaking nakakuha sa kanya, ang lalaking nakatalik niya kagabi. Kung alam niya lang ay hindi na sana niya ito pinatulan. Sigurado siyang magiging awkward ito para sa kanya. Nagsisisi na tuloy siya sa ginawa niyang paglalasing. Kasalanan ito ni Ronald, eh. Kung hindi ito nagloko ay hindi sana siya maglalasing. “Good morning, everyone.” Napatingin sila kay Mr. Dewis, ang may-ari ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho. “Alam niyo naman ang balita na magre-retire na

