chapter 6

2209 Words
Panibagong araw at panibagong kamalas-malasan na naman ba ang ma e-encounter ko ngayon? Dalawang araw na ang nakalipas nang nakasabay namin kumain si Zaire at ang kuya niyang bodyguard, ngunit di pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga pangyayari. I get off from my bed to get ready for school and after kong makapaghanda pupunta ako sa kanila ni Kim para sunduin siya. Dito ako kagabi natulog sa bahay kasi kailangan ko rin naman ito linisan at saka nami-miss ko na ang baho ng kwarto ko at namiss ko rin yung matulog ng mahimbing. Pagkatapos kong maligo kumain ako ng niluto kong pancake at nagtimpla ng gatas, nang naisipan ko na tawagan si Papa para kamustahin, matagal ko na siyang hindi nakakausap. Siya nalang ang meron ako kaya dapat ay kinakamusta ko siya at inaalam ang kalagayan ng Papa ko. Ngunit sa ganitong oras ay tulog pa ito, four hours ahead ang Philippines sa Dubai at nang tumingin ako sa wall clock ay, exactly 7 am pa lang and 7:30 dapat nasa school na ako kaya medyo nal-late din pag tawagan ko pa si Papa, siguro mamayang lunch na lang. Sa huli, tinapos ko nalang ang pagkain ko. Hindi ako katulad ni Kim kung kumilos, hindi naman ako sobrang hinhin pero hindi rin yung sobrang mabilis. Pagtingin ako sa relo ko, nakita kung ma l-late na ako sa klase at si-sirado na ang gate. Inubos ko yung gatas bago ako nagmadaling lumabas ng bahay at sinigurado muna na lock lahat yung pinto. Tumakbo ako papunta sa kanila ni Kim. Naabutan ko si Mommy Belle na nagwa-walis sa labas ng bahay nila. Nang nakita niya ako na papalapit na sa bahay nila ay sinabihan na ako na umalis na Kim dahil sila daw yung nakatoka na magbabantay sa gate. Ay, oo nga pala. Ang bata ko pa naman bakit makakalimutin na'ko. Napanatag ako na hindi ako masisirahan ng gate dahil toka nila ni Kim ngayon at paniguradong hihintayin niya ako. Hingal akong lumabas ng subdivision at nagbabantay ng taxi sa labas. Napatingin ulit ako sa wrist watch ko at twenty minutes nalang, ma l-late na ako. I turned side to side to see kung may paparating ba na taxi. Habang hindi ako mapakali, may pumarang itim na pamilyar na sasakyan sa harapan ko. Hindi na ako nag abala na tignan kung sino ba ang nasa loob, mas inuna ko ang mag hanap ng taxi dahil ayokong mahuli sa klase. Palihim kong sinisi si Kim dahil hindi lang naman ako tinawagan. Hindi ko namalayan na naibaba na pala nito ang bintana ng sasakyan niya. “Do you need a ride?” Sabi ng isang pamilyar na boses as I stood there in shock after I heard his voice. “Miss Sanna?” Tawag nito sakin. “Ay, yes. Hello po, good evening ay este good morning, kuya ni Zaire.” Pagkatapos kong masabi yon ay mahina kong sinampal ang noo, as I earned a chuckle from him. “Good morning to you, too. I can give you a ride, I'm heading to school as well.” He kindly offered. No. Ayoko. Baka ano pa ang isipin ng mga tao pag nakita nila ako na sumakay sa sasakyan ng bodyguard. “Sige lang po. Maghihintay lang po ako ng taxi.” Pagtanggi ko and I gave him a sweet smile after. “You're going to be late.” Sabi nito. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko at tama nga siya, I only have five minutes left. Lumapit ako sa sasakyan niya and I leaned down on the window. “Open pa po ba yung offer mo?” Nahihiya kong tanong. He nodded as a response. Binuksan ko yung pinto at sumakay sa back seat. “You're kidding me, right?” Hindi pa ako nakakapasok ay bumukas na ang pinto sa driver seat. Naglakad siya patungong rear seat at binuskan ito. Hindi na ako nag inarte at dali-dali akong pumunta doon saka pumasok. Naramdaman ko pa ang paglagay niya ng kamay sa ulo ko para siguro hindi ma bunggo. Ewan, basta ang alam ko lang, maraming butterfly ang lumilipad-lipad sa tiyan ko dahil sa ginawa niyang iyon. Napakatahimik niya habang bumabyahe, nahihiya akong mag salita at sulyapan siya. Hindi ako nag salita at tumingin sa tinatahak naming landas. Perfect silent na sana ang byahe ng biglaang nag ring ang phone ko. Napatingin muna ako sa kaniya at ganon din siya sakin bago tinignan ang bag ko kung saan nag-iingay ang cellphone. “Sorry.” Pag hingi ko ng tawag at dali-daling hinanap ang phone para malaman kong sino ang tumatawag. Nang nakita ko na si Papa ang tumatawag ay agad akong napangiti. “Boyfriend?” Napalingon ako sa kaniya at nakita kong seryoso siyang nag ma-maneho. “Hmm.” Sabay iling ko “Hello, Pa! Good morning.” Masayang pagbati ko at napatawa naman si Papa. “Kamusta na ba ang baby ko?”masayang sabi ni Papa at napangiti naman ako. Pinaglalaruan ko ang zipper ng bag habang nagsasalita. “Papa naman eh, malaki na po ako no at tsaka magn-nineteen na ko bukas.” Ngumuso ako at narinig ang tawa sa kabilang linya. “Ano bang meron bukas?” Tanong ni Papa. “Don't tell me na nalimutan mo birthday ko, Pa.” I fake gasped. Alam ko naman na nagbibiro lang siya. “Iiyak talaga ako dito, Pa.” I continued. “Biro lang. Ito naman yung baby ko 'di na baby, hindi na mabiro-biro eh.” Sabi ni Papa sabay tawa. Napatawa na rin ako sa mga biro niya, na miss ko na yung mga oras na nandito siya sa tabi ko. Habang masaya kaming nagtatawan at nagk-kwentuhan ni Papa, narinig ko na umubo siya and it looks like he has it for almost a week. Tumigil ako sa pag lalaro ng zipper at tumingin sa labas ng bintana “Pa? Okay ka lang po ba? Mukhang malala yung ubo mo, nagpacheck-up ka na ba?” Pag-alalang tanong ko. “Wala to, anak. Nagpacheck-up na ako at sabi ng doktor, sa lagnat ko lang daw 'to.” Sagot ni Papa. Hindi pa ako una nakumbinse sa sagot ni Papa ngunit alam kong hindi kaya ni Papa na magsisinungaling kung alam niyang yung concern ko sa kaniya ang pinag-uusapan. “Sure ka Pa ha?” I asked, rinig pa ang pag-alala sa boses ko. “Oo, promise, nak.” Sabi nito at umubo ulit. Malapit na ako sa paaralan kaya kailangan ko nang patayin ang tawag. “Pa, pasensya na po at kailangan ko nang umalis, late na kasi ako sa school. Tatawag ulit ako mamaya. Love you.” I quickly bid goodbye and dropped the call. Tinignan ko yung bodyguard at nahihiyang ngumiti. Sobra ba akong maingay? Kung maka tingin kasi siya sakin parang ang laki ng kasalanan ko. “Sorry.” Sambit ko. “What are you sorry for?” Nagtaka ako dahil parang hindi naman siya galit pero parang galit din. “Sobrang ingay ba ako? Papa ko kasi ang tumawag kaya...” Humina ang boses ko at nahihiyang kinagat ang labi, gusto kong batukan ang sarili. Nang tumawag kasi si Papa naexcite ako kaya nalimutan kong nasa loob pala ako ng sasakyan ng kuya ni Zaire. “No, its okay.” Simple nitong sagot. Nang papalapit na kami sa school, pinapara ko sa kaniya yung sasakyan kasi dito na lang ako ba-baba, “No, lets go inside together. Baka hindi kana papasukin sa gate.” Umiling ako at hinarap siya. “Thank you po talaga kuya ni Zaire. Pero diyan nalang po ako sa tabi. Thank you for the ride po.” Magalang kong sabi, nakakatanda siya sakin kaya kailangan ko siyang galangin. “Call me Matt.” Sabi nito ngumiti ako at muling nag pasalamat. Ayaw niya pa nong una na ibaba ako kaso I keep on insisting na dito na lang. Baka kasi ako na naman ang gagawin na bagong issue sa school. After I thanked him and as I closed the car's door, tinawag niya ko, “Miss Sanna.” I hummed in response. “Come to the principal's office after lunch.” Sabi nito at agad naman pinatakbo yung sasakyan. Hindi niya man lang ako binigyan ng chance para makapagtanggi. Lumakad ako papuntang gate ng school at nakita ko agad si Paul, siguradong andito lang si Kim sa malapit and as I shifted my gaze, tama nga yung hula ko. “Swannie!” Sigaw ni Kim. Nasa malayo pa lang ako ay tumatalon na ito at nag w-wave sakin. Napangiti ako at tama nga ako't hinintay niya ako sa gate o sadyang andon lang si Paul kaya nandon din siya. Naglakad ako papunta sa kinaro-roonan nila. “Nakakatampo ka! Hindi mo lang naman ako ginising o kay sunduin.” Sabi ko at umastang nagtatampo. “Yiee. Wag ka ngang maarte diyan, nakita kaya kita.” Sabi nito at parang kinikilig pa. “Saan?” Tinuro ng labi niya kung saan yung sasakyan ng kuya ni Zaire, sumunod ang tingin ko doon. Bakit ang cool niyang tignan habang bored na nakasandal sa pinto ng kotse niya. Tumili si Kim sa tabi ko at saka hinampas ako sa braso. Nakita kong napatayo ng tuwid ang kuya ni Zaire bago ko tinignan ng masama si Kim. “Sayo nakatingin yan. Sigurado ako doon.” Sabi niya at tumili lalo. Baliw ata to, nanghuhula ng mali-mali. Naka sunglasses ang kuya ni Zaire kaya pano niya malalaman na sa akin ito nakatingin. “Ikaw, kung ano-ano na ang pumapasok diyan sa utak mo! Kung mag-aral ka kaya!” Sabi ko at inayos ang mga libro hawak. Sumigaw na si Paul at nagsitakbuhan ang mga CAT kasama doon si Kim. Nag form in line sila by rank ata sa pagkakaalam ko kasi si Paul ang pinakamataas tapos si Kim ang sumunod sa kaniyang pwesto kaya naman magkatabi silang nakatayo habang hinaharap ang mga applicant at nasa kabilang pwesto naman yung mga officer. Ngumuso ako at bago pa mapagsirahan ng gate ay pumasok na ako. Bago ako makapasok ng tuluyan, napatingin muna ako sa pwesto kung nasaan ang kuya ni Zaire. Nanliit ang mata ko ng nakita ko siyang nginitian ako. Ngumiti ba talaga siya? Dali-dali akong pumasok at nararamdaman ang pag-init ng mukha ko. “Anong nangyari sayo?” Tanong ni Zaire ng nakita ko siya sa gate. Hinihintay niya siguro si Kim na matapos. Matagal ko ng alam kung gaano ka loyal si Zaire sa kaniya, kung gaano siya ka mahal ng isang to. Kaso yung pandak na yon, si Paul talaga ang mahal kahit na paulit-ulit siyang pinapaiyak. ‘Love is painful’ daw kasi sabi niya kaya nagpaka martyr ang gaga, yan tuloy nag mukha siyang kaawang-awang marupok. “Ahh, ano kasi...” Mas lalo akong nabigla ng hinawakan ni Zaire ang mukha ko para ipa tingala sa kaniya at makita ito niya ng buo. “Masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong nito sakin. May nakita akong humawak sa kamay ni Zaire kaya doon ako napatingin sa taong nasa gilid namin. “Matt.” Sabi ni Zaire at kinuha ang kamay sa mukha ko. Tinignan ko ang kuya niya at hindi nakalagpas sa mata ko kung paano niya binasa ng dila ang mapupula nitong mga labi. Napasinok ako kaya sabay nila akong tinignan. Tinakpan ko ang bibig at umiwas ng tingin sa kuya ni Zaire at kinabahan ako bigla. Wala na siyang suot na salamin kaya nakikita ko ang matatapang niyang mga mata, kung paano ito tumingin sakin. “Are you okay?” Suminok ulit ako nang marinig ko ang husky niyang boses. Bakit ganito? Tumingin ako sa kaniya, nagtama ang mga mata namin. Mas lalo akong kinahaban kaya muli akong napasinok. Mabilis niya akong binigyan ng bottled water na hindi ko alam kung saan galing, nakabukas na ito at iinumin ko na lang. Tinanggap ko yun at agad na uminom baka palang na tumigil ang puso ko sa mabilis na pagtibok. Nakakakaba ang tingin at ang boses niya. Sunod-sunod akong uminom nang hinagod niya ang likod ko, sa gulat ay na duwal ko ang tubig at sa mukha niya ito napunta. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari kaya agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang mukha niya. Natatakot ako na baka magalit siya dahil sa nangyari, nakakatakot pa naman ang mukha niya. “I'm sorry. I'm sorry.” Paulit-ulit akong humingi ng tawad hanggang sa hinawakan niya ang kamay kong nagpupunas ng mukha niya. This is so embarrassing! “It's okay. Are you tensed?” Hindi ako sumagot at yumuko lang ako. Huli na nang nakita ko ang pag lapit ni Paul sa pwesto namin, kasama niya si Kim na natatawa sa mga nangyari. Inisang tingin siya ni Paul, kahit wala pang sinabi si Paul ay agad nang tinikom ni Kim ang bibig at tumigil sa kakatawa. “Mr. Lombardi.” Sabi Paul at magalang na kinausap ang kuya ni Zaire. “Yeah. Good morning.” Cold na sabi ng kuya ni Zaire. Muli akong suminok at napatingin ulit siya sakin. Kinagat ko ang dila at matapang na nag salita. “E-excuse me.” Sabi ko bago ako tumakbo papalayo sa kanila. My God Aphrodite!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD