CHAPTER 14 RUSH'S POV "What's wrong, inspector?" kuryosong tanong ko nang ilang segundo siyang natahimik nang mahawakan niya ang box. Hindi siya agad sumagot. Ilang minuto pa rin ang lumipas bago s'ya nagsalita. "Sabi n'yo ang biktima ang mismong nagbigay nitong box na 'to?" tanong niya. Kahit nagtataka ay tumango-tango ako. Nilapag niyang bigla yung box na hawak hawak n'ya which is yung bento box. Naglakad si Inspector Logan palapit sa katawan ng biktima at nagsuot ng gloves. Tumabi ang ilan sa mga pulis na naririto at sinundan lang siya ng tingin sa ginagawa n'ya, kasama na kami. What is he doing? May kung ano siyang hinahagilap sa katawan nung babaeng nagngangalang Lyka. I don't understand his sudden action kaya sa sobrang kuryoso ko ay dinampot ko 'yon. Inikot-ikot ko rin

