NATHAN'S POV Hindi ko alam kung bakit parang hindi na naging okay si Nate kanina matapos kong maikwento sa kanya ang nangyari sa aming paglabas ni Mikko. Oo, masaya siya para sa akin, pero bakit parang may mali sa ikinikilos niya? Bakit parang hindi naman siya masaya talaga para sa akin? Napaisip tuloy ako. Kumuha muna ako ng pagkain ko at naupo sa couch sabay bukas ng telebisyon. Nakabukas nga ang telebisyon ngunit hindi naman ako nanonood. Ang ibig kong sabihin, nakatuon ang mga mata ko sa telebisyon pero wala naman akong naiintindihan sa pinapanood ko. Lumilipad kasi ang isip ko. “Sabi ko kay Babz mag-text sa akin eh,” sambit ko habang tinitingnan ang cellphone ko at naghihintay ng text kay Nate. Ngunit wala naman akong makita dahil wala namang na

