Kabanata 25 "Magandang umaga, Nanay." bati sa akin ni Hera pagkamulat ng aking mga mata. "Nanay, diba hindi ka pupuntang palengke ngayon? Wala kang trabaho diba, Nanay?" tanong ni Hacov sa aking kabilang gilid. Ngumiti ako sa kanila at umiling. Sa pitong buwan namin dito sa La Azul naging maginhawa ang buhay namin. Mahirap, oo, pero nakakayanan naman sa tulong nina Nanay Bell at Tata Tiyo. Kitang kita sa kanilang dalawa na kahit wala silang anak ay nagmamahalan parin, na walang makakapaghiwalay sa kanila. Napako ang tingin ko kay Hera na hanggang ngayon ay takot paring maligo sa dagat. Pitong buwan na kami dito sa La Azul at halos araw araw niyang nakikita ang karagatan pero ni minsan hindi niya pinadapo ang kanyang paa sa tubig. Umiiyak siya noong pinipilit ko siyang dalhin sa dalampa

