5 Years later. Isang malakas na iyak nang bumulabog sa buong mansyon. Halos mahulog na sa sahig si Ramael dahil doon. Napalikwat naman ako ng bangon. Humikab pa ako at tiningnan ang asawa ko. Halos matawa na ako dahil sa hitsura niya ngayon. Mukhang puyat na puyat siya sa kakabantay sa anak naming si Ermoni, ang anak namin. Nakakatuwa lang dahil nagawa na namin ang matagal na dapat naming gawin para kay Lilith noon. Yes, bumalik na sa pagiging tao si Ramael dahil hiniling niya iyon. Gusto daw niyang maranasan na maging tao. Iyong tipong tatanda siya na kasama ako. Ang kapatid niyang si Lucille ang hindi dahil gusto niyang makasama ng matagal si Raziel. Habang si Primus naman ay humiling kay Helissent na maging tao para kay Trish na agad naman ito napagbigyan. How about Lilith and Harlan?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


