[ Eurille / Bethany ] Marahas na tinanggal ang piring sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Umawang ang bibig ko nang matanaw ko si Ramael na nasa isang gilid. Nakayuko siya at tulad ko ay nakatali din. Napasinghap ako. Agad ako tumingin sa babaeng nakatayo sa aking tabi. Siya ang nagtanggal ng piring ko. Isang nakakalokong ngiti ang iginawad niya sa akin. "Unfortunately, he followed us. Nahulog tuloy siya sa ginawa kong devil's trap." "Si Lilith nalang pala ang kulang..." Rinig kong ang isang pamilyar na boses. Agad akong tumingin sa pinanggagalingan n'on. Si Ceylon! Papalapit siya sa amin. "Narito na kayong mag-asawa, pati ang apo ninyo. Siya nalang talaga ang kulang." Saka tumawa siya na parang nababaliw. Nakikita ako tuloy sa kaniya si Flavius... "Oh? Nakikita mo

