"Ako na ang magdala sa kanya pauwi," ani Carson sa mga kasama. Napatingin sa kaniya si Lucas at nakita n'ya 'yon. Sinubukan n'yang iwasan ang binata ngunit nahuli nito ang mga mata n'ya. Sinalubong ng dalaga ang tingin ng binata at hindi nito inalis ang mga mata hanggang sa sukuan ng binata ang pakikipag-palitan sa kaniya ng tingin. "Sigurado ka ba? Natatandaan mo ba kung saan kayo dapat umuwi?" Pagtatanong ng binata sa kaniya. Napa-smirk ang dalaga at yumuko ng bahagya bago tumingin ulit sa binata. "Hindi pa naman ako makakalimutin, Lucas. Lahat ng nalalaman ko ay buhay na buhay sa isip ko," diretsong sabi n'ya rito. "Naku! Alam ko na 'yan, Allison." Singit ni Dante kaya napatingin s'ya rito. "Ano?" Kunot-noong tanong naman ng dalaga. Tumatawa ito habang papalapit sa kaniya.

