Chapter 51

211 Words

"Magkakahiwalay tayong lahat," seryosong saad ng kanilang kasama may edad na. "Kung ganun, hindi sa Claribben ang punta natin?" Kunot noong tanong ni Roberta. Naningkit din ang mga mata ni Carson sa narinig. Hindi pwedeng hindi sa Claribben ang punta n'ya. Hindi pwedeng mapapalayo s'ya, tumatakbo ang oras at ang mundo hindi tumitigil. Hindi n'ya alam kung ano ang mangyayari bukas kaya kailangan n'ya nang makalapit dito. "Kami hindi, may text naman si Rico, basahin ninyo ang mga text sa inyo," sagot pa ng lalake. Nakahinga ng maluwag si Carson at agad na nilapitan ang mga kasama. "Sa Claribben tayo, pumasok na tayo bago pa tayo mapunta sa pinakadulo ng bus, maalog doon," aniya sa mga ito at tumungo sa pinto ng bus. Inabot n'ya agad ang ticket sa konduktor na nakabantay sa pintuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD