May kaklase akong sobrang tahimik, palagi lang syang nag iisa sa isang sulok. Sa tuwing may groupings mas pinipili nya nalang na walang grade kesa sa makihalubilo sa aming lahat. Paano ba naman kasi, binubully sya ng mga kaklase ko. Halos lahat nga sila maging si Mr. Heredia na aming guro ay iniinsulto rin ang kaklase namin. Minsan naaawa ako sa kanya kasi palagi lang syang tahimik at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Gustong gusto ko syang lapitan at tanungin kung kamusta ba sya, pero hindi ko magawa dahil baka ako naman yung i-bully nila. Kaya kahit naaawa ako sa kanya, wala akong magawa. “Hoy Ashley, umalis ka nga jan. Pwesto namin yan!” Mataray na utos nang president naming si Saskia. Pansamantalang wala pa kaming teacher. Hindi lang pinansin ni Ashley yung sinabi ni Saskia.

