Lucianda Solero-Montalbo HUMIGOP AKO ng kape at tinignan ang note sa bouquet ng bulaklak na pinadala sa firm at nakalapag ngayon sa lamesa ko. It was a simple note saying who the sender of this flower was. ‘Alejandro’ “Have you met my nephew? Kasama mo nung umakyat kayo ng bundok. Ang sabi niya ay nakausap ka niya.” It was Martha while busy reading on documents and a bunch of books under her desk. “Sino naman roon?” taka kong tanong. Marami akong nakausap na mga dalaga roon. “My nephew is a young boy na hindi naman nalalayo ang edad sayo. Siya lang ata ang lalaki roon na ilang taon lang na mas bata sayo. Ang sabi ko ay isa ka sa inaalagaan kong abogada, sinabi ko rin na bantayan ka dahil buntis ka nun.” “Ah, yeah I remember.” But I forgot his name. “He wants to get your number.”

