Lucianda Solero NAABUTAN KONG nagtatalo sina Mommy at Lucan sa bahay, bago pa ako pumagitan sa kanilang sigawan ay malakas ng nasampal ni Mom ang kapatid ko. Doon lang sila natahimik at nagkaroon ng kapayapaan panandalian sa bahay. They want me to go home and they all expect me to be here kung ito lagi ang naabutan ko? Sigawan, sakitan, at away nila? “Talaga bang sarado na ang isip mo, Lucan? Ang kompanya ng iyong papa ay ipapamana niya sa anak niya sa labas kung hindi ka susunod sa akin. Gusto mo na ang babaeng yun ang mamahala sa mga negosyo ni William?! At tuluyan na kayong mawalan ng karapatan sa ari-arian at negosyo na para sa inyo?” Napahawak ako sa strap ng aking bag. “Why it has to be always me, Ma? Bakit hindi naman si Lucy ang siyang magsakripisyo sa pamilyang ito? We al

