Alejandro Montalbo DAHIL AYAW na ayaw ni Lucianda na bisitahin ko siya sa kanyang firm at kasalukuyan kung saan siya ngayon tumutuloy ay wala akong nagawa kundi ang makipagkita sa kanya sa isang pribadong restaurant. Anything she wants, I will adjust for her. “Are we in some kind of business meeting?” tudyo ko sa kanya matapos maupo at mapansin ang paligid namin. Masyadong pormal ang kanyang kinuhang silid, malaki ang espasyo para sa dalawang tao. “Ano ba dapat ang itawag natin sa pagkikita natin ngayon?” I licked my lower lip and took the menu to see what their food was. Napanguso ako nung mapansin ang iilang pagkain, this is a European dish. Binaba ko iyun at umangat ang tingin kay Lucianda. She is wearing a white dress over her knees. With puff sleeves that makes her look reall

