Alejandro Montalbo “SAAN ho tayo ngayon, Sir?” “Tita Alessana, sa bahay ng mga Solero.” Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng mga katulong ni Tita Alessana. Nangako akong bibisita ako sa kanya ngayon. Bitbit ko ay bulaklak na pinapabigay ni William sa kanyang dating asawa. “You are inviting me to your newly opened resort?” gulat at may tuwa niyang saad. “Kung pwedi kayo at makakapunta ho kayo. Matutuwa ako na makita ka roon.” Humalakhak ito at nilapagan ako ng kape. Umupo sa harapan ko at hindi pinansin ang bulaklak na pinili pa namin ni William, nagtalo pa kami kung ano ang nababagay na ibigay dito. Mabuti na lang at alam kong ang ibibigay kay Lucianda. William was not really the type who would give flowers to a girl. Yun ang napansin ko sa kanya. “Gusto ko rin naman sulit

