Lucianda Solero-Montalbo NAPASINGHAP AKO sa sunod-sunod at malakas na katok mula sa pintuan. I felt like my body was almost freezing to death. Mabilis akong tumayo at kinuha ang robe. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ay pumasok na si Alejandro bitbit ang susi. “You let yourself stay in the water for hours? Ano bang iniisip mo, Lucianda?” Kinuha niya pa ang isang roba tsaka sinuot sa akin nung mapansin ang panginginig ng katawan ko sa lamig. “Na-nakatulog ako.” Nakapagpalit na siya at mukhang kanina pa nakaligo dahil patuyo na ang kanyang buhok. Malamig niya akong tinignan at lumabas ng bathroom. “Kukuha ako ng mainit na maiinom sa baba. Close the aircon…” palabas pa lang ako ng bathroom ay napailing na ito at siya na mismo ang pumatay sa aircon. “Papatayin mo ba ang sarili mo sa

