DON GANIKUS'S POV: -- TINUPAD ni Bloodfist ang kanyang pangako na babayaran ang utang ko kay Humpry at ngayon magkaharap kaming dalawa at tila hindi niya matanggap na mababayaran ko na siya. "Just pull off the contract Humpry for my daughter's peace." Pakiusap ko rito. "Sa tingin mo ba ganun kadali 'yon? May kontrata kang pinirmahan at kahit bayaran mo ng doble ang utang mo sa akin, contract is a contract. Parang hindi ka naman propesyonal niyan, Ganikus?" Mapanuyang sambit nito. "Yun na lang ang huling pakiusap ko sa'yo, Humpry. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang anak ko at ang pagbaklas ng kontrata ang naiisip kong paraan para umuwi siya." "Fine." Sumusukong sambit niya. "Magpadala ka ng abogado sa opisina ko at ipawalang bisa ang merging ng kompanya natin. Mabuti na rin '

