LIGAYA'S POV: -- "GOOD evening ladies and gentlemen. Thank you for coming tonight as we celebrate the branch anniversary of Crunch Ey. Let us hear a message from the owner Mr. Asher Orson McKenna, please give him a round of applause, please." Namayani ang masigabong palakpakan sa paligid nang magsimula ang anniversary event ng Crunch Ey at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa presensya na nararamdaman ko sa paligid. Pilit kong hinahanap kung na saan si Dune pero hindi ko ito makita. Tila isa itong mabangis na likido na unti-unting kumakalat sa loob ko gamit lamang ang tingin nito. "Okay ka lang ba?" Usisa sa akin ni Grace nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Inabot ko ang kopita na may lamang wine na kinuha namin sa naglilibot na waiter at saka ako sum

