LIGAYA'S POV: -- SA ikatlong palapag kami pumunta ni Joan at sa pinakadulong kwarto niya ako dinala. Binuksan nito ang pintuan ng walang alinlangan at halos mapatili kaming dalawa nang makita may naghahalikan sa loob. "Jusko naman Ivy! Ang aga-aga gumagawa ka na naman ng milagro!?" Malakas na sigaw ni Joan matapos niyang hilahin ang pinto pasara. Habang ako naman ay napatakip sa mga mata ko dahil sa eksenang nakita namin ni Joan. Rinig namin ang kalabog sa loob at mukhang nataranta sila dahil sa pagsigaw ni Joan. Hanggang bumukas nag pinto at iniluwa doon ang lalaki na tanging suot lang ay jersey shorts at wala itong saplot pang itaas. "See you later, babe." Ani nang babaeng tinawag ni Joan sa pangalang Ivy. Naghalikan pa ang dalawa at halos maipikit ko na ang mga mata ko hanggang sa

