CHAPTER 6

3163 Words
Chapter 6: Fall & Guilt MABUTI na lamang din ay suot ko ang mamahalin kong wristwatch kaya alam ko kung ilang minuto na akong naghihintay sa labas—mahigit isang oras na rin kaya. Inaaliw ko na nga ang sarili ko sa pakikipag-usap ko kay Vip. Hindi naman sumasagot ang kabayo ko at inakusahan pa ako ng mga taong dumadaan na baliw. Pakialam ko naman sa kanila? Bahala silang mag-isip sa akin ng kung ano-ano. Hindi ko sila pipigil kasi hindi ko naman sila kilala. Nang makaramdam ako ng gutom ay umupo ako sa isang waiting area at tiningnan ko ang laman ng supot ko. Ngumuso at wala na akong choice pa kundi ang kumuha ng isang kakanin. Nakabubusog naman ito pero iba pa rin kapag masarap ang kinakain mo. Ilang beses kong pinadyak ang binti ko kasi may tumutusok doon, eh. Huli na para malaman ko. Lamok na pala iyon. Ang dami ng pantal sa binti ko. Pants na ulit ang isusuot ko. Itinali ko na muna si Vip at bitbit ang supot ay muli kong pinuntahan si Azul. Tumulis ulit ang labi ko nang makita ko siyang kumakain na kasama ang batang babae. Busog daw siya kanina pero ngayon ay kumakain na sila. Ang daya. “Kuya, bumalik na naman po ang babae,” bulong ng bata na dinig ko naman. Napalingon sa akin si Azul at nagsalubong ang makapal niyang kilay. “Hindi ka pa rin ba umuuwi sa inyo?” malamig niyang tanong. “Hindi mo kasi ’to tinanggap. Dinala ko pa naman ito para sa ’yo,” sagot ko. Kinuha naman niya iyon at napangiti na ako pero...naghalo rin iyon agad. “Ale, hindi po ba paborito ng anak niyo ang kakanin? Heto po sa inyo na.” Ang bilis naman niyang ibigay sa iba! “Ay maraming salamat, hijo! Ang bait mo talagang bata, Azul!” masayang bulalas ng ale. ’Saktong kasama niya ang mga anak niya. Kainis siya. “Tama bang ibigay iyon sa iba at sa harapan ko pa mismo, Azul? Bad iyon,” ani ko. “Kinuha ko na para hindi ka na maghintay pa rito. Umuwi ka na lang sa inyo.” “Hindi mo naman kinain iyon. Ibinigay mo pa sa iba,” nagtatampong saad ko at bagsak na agad ang balikat ko. “Busog na ako. Nakikita mong kumakain na ako. Masasayang lang iyon kapag hindi pa kakainin. Kanina mo pa iyon dala-dala. Mas mabuti na ang ibigay ko para may makinabang.” Lumubo ang pisngi ko sa pagdadahilan niya. “Hindi tayo bati,” wika ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Hindi naman tayo magkaibigan,” iritadong saad niya. “Kaya nga nandito ako para makipagkaibigan sa ’yo,” makulit na saad ko pa rin. “Hindi ko kailangan ng isang kaibigan na sakit sa ulo.” “Ang pangit mo, Azulenzure!” asik ko sa kanya, inirapan ko siya at saka ko siya iniwan doon. Masama ang loob ko na binalikan si Vip. Dahil sa sobrang inis ko ay mabilis kong pinatakbo ang kabayo ko. Natakot ang mga tao at ang iba ay nagkagulo na rin. May mga prutas pa ang gumulong at ilang mga mura nila ang natanggap ko. Sa sobrang galit kay Azul ay ipinakita ko pa sa kanila ang gitnang daliri ko. Hindi ko pinansin ang matandang bumagsak sa lupa. Karma ang inabot ko sa pagiging brat ko. Sa mabilis na pagtakbo ni Vip at sa ilang beses kong pagpalo sa kanya ay hindi ko sinasadyang mapabitaw sa tali at kasabay ang pagsipa niya sa era ay nahulog ako mula rito. Napaigik ako sa sakit nang tumama ang balakang ko sa lupa. Pasalamat ako at lupa pa lamang ang daan na tinatahak namin. Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat. “M-Mommy...” Dumilim ang paningin ko at parang nabingi ako kasi wala na akong naririnig pa. Ilang beses kong pinilig ang ulo ko at umaasa ako na sana hindi ako mahihimatay. Napadapa ako at hawak ko pa rin ang nasaktan kong balakang. Pumikit ako kasi ang bilis ng heartbeat ko, puro itim lang ang nakikita ko. Sandaling nabulag ako. Iyon ang napagtanto ko. Bumalik lang ang diwa ko nang maramdaman ko na may suminghot sa buhok ko at nag-ingay sa aking tainga. Hindi pa nahusto at dinilaan pa ang pisngi ko. Napadilat ako at nakita ko ang mukha ni Vip. “L-Lagot ka sa Papa ko, Vip. I-Ibebenta ka na niya sa maliit na presyo. Hinulog mo ang unica hija niya,” pagkakausap ko sa kanya. Nag-ingay siya na parang naintindihan niya ang sinabi ko. Pinagkiskis niya ang ulo niya sa buhok ko. Tila gusto niyang bumangon na ako. Hinawakan ko ang tali sa leeg niya at kusa niyang iniangat ang ulo niya upang makatayo ako. Sumandal ako sa katawan niya at hinaplos ko ang buhok niya. “Hindi ako makasakay. Ang sakit ng balakang ko, Vip,” naiiyak na saad ko. Nagulat ako nang lumuhod siya. Napangiti ako at nagawa ko nang sumakay sa likuran niya. “Kaya naman pala good boy ka pero nagtatampo pa rin ako sa iyo.” Mabagal na ang takbo niya na parang may sariling isip din siya kasi alam niyang nasaktan ako mula sa pagkahulog ko. Hindi naman masakit ang lupa, kasi malambot ito pero nasaktan pa rin ako. Hinang-hina ako nang makarating sa bahay. Sinalubong ako ni Mama. Hinawakan niya agad ang mukha ko at sinuri ako. “Bakit parang ang putla mo, anak? May masakit ba sa ’yo?” she asked me worriedly. I shook my head. “Nadapa lang po ako kanina, ’Ma. Hindi ko po kasi nakita ang batong dinadaanan ko kanina,” I lied. Sorry po, Mama ko. Baka kasi mag-worry siya lalo at tatawagan na naman niya si Papa. Sinuri niya ang buong katawan ko. Hindi na lamang ako nag-react pa nang dumapo ang palad niya sa baywang ko. “Thanks God. Wala ka namang galos, darling. Halika, ihahatid kita sa kuwarto mo.” Nagpatianod na lamang ako sa Mama ko. Iniwan din ako ni Mama nang makita niyang umupo ako sa kama pero pagkalabas niya nga ay ngumiwi ako. Nagtungo muna ako sa banyo para maligo at nakita ko pa ang pamumula ng balakang ko. Ginamot ko naman iyon ng ointment. Nang humiga ako sa bed ko ay nakatulog agad ako. Nagising ako noong dinner na namin. Sa gabi ay mas naramdaman ko ang pananakit ng balakang ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at nahirapan ako sa pagtulog. Hindi naman ako umiyak, hindi dahil takot ako na baka malaman nila na umiiyak nga ako in the middle of the night. Sound proof ang room ko. Late na noong nagising ako at masama na ang pakiramdam ko. Ngunit ayokong mag-alala ang parents ko. Umakto na lamang ako na okay ako. Nang makita ko mula sa balkonahe ko si Azul ay dali-dali akong bumaba. “Good morning, Azul!” masayang bati ko sa kanya. Parang hindi ako nasaktan sa ginawa nito kahapon sa akin, ah. Isang mabilisan na sulyap lang ang ginawa niya. As usual ay wala siyang reaction at hindi nagsalita. Kinuha niya ang face towel niya at pinunasan ang sweats sa buong mukha niya, pababa sa leeg, sa malapad niyang dibdib at sa abs niya. Nagutom ako bigla at nag-crave ng pandesal. Nilapitan ko siya pero umiwas na naman kaya sumunod pa rin ako sa kanya. Hindi rin sinasadya na mabangga niya ako ng kanyang matigas na dibdib. Naiinis na nagpakawala siya ng buntong-hininga. “Tigilan mo ako, Eljehanni,” mariin at malamig na saad niya. Bumagsak na nga ako sa damuhan, oh. Nadagdagan lang ang sakit ng balakang ko. Naglahad ako ng kamay sa kanya para tulungan niya akong makatayo. “Ang sakit ng balakang ko, Azul. Itayo mo ako, dali!” sigaw ko sa kanya. “Dali na!” pag-uulit ko. He took a deep breath again. Pero hindi niya ako tinulungan at basta na lamang niya akong tinalikuran. “Ang pangit mo, Azulenzure!” Naalala ko na sinabihan ko rin siya ng ganoon kahapon. May mga kasambahay naman ang tumulong sa akin at ngumiti lang ako sa kanila. Hindi ko sila puwedeng pagbuntunan ng galit ko kay Azul. Dahil bawal iyon dito sa villa namin. Sumunod ako kay Azul kasi nakita kong nagtungo siya sa kusina namin. Umiinom na siya ng tubig nang naabutan ko siya roon. He glared at me na naman pero walang effect sa akin ang ganyang tingin niya. “Ang kulit mo,” komento niya. “Ang cute ko rin, ’no?” Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa island counter at tinitigan ko siya. Aliw na aliw na naman ako sa kaguwapuhan niya. “Naalala mo ba ang ginawa mo kahapon?” walang emosyon na tanong niya. “Ano? Alin doon?” wala sa sariling tanong ko. “Hindi ka lang nakaabala sa amin dahil ang laki rin ng pinsala na ginawa mo kahapon. Maraming mga prutas at gulay ang nasira. Muntik na ring maapakan ng kabayo mo ang Lola ko dahil sa mabilis mong pagpapatakbo.” Napakamot ako sa batok ko. Iyon ba ang pinsalang nagawa ko? Tama, naalala ko na. May isang matandang babae nga ang nakaharang noon sa dinaraanan ko at muntik pa siyang mabangga ni Vip. Mabilis siyang nakaiwas pero na-out balance siya. Kitang-kita ko pa ang mga pamili niyang nalaglag sa lupa. “Ah...” Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Kabado ako kasi nakaramdam na ako ng guilt. Lumapit naman siya sa akin at matapang ko lang siyang tinitigan. “Isa pa ’to. Lahat ng mga tao ay nakita ang pagtaas ng gitna ng daliri mo.” Kumibot-kibot ang bibig ko sa kanyang sinabi. “Sorry na. Nainis lang naman ako sa ’yo kaya ganoon ang nangyari,” I reasoned out. “Kung naiinis ka sa akin ay huwag mong pagbuntunan ng galit mo ang ibang tao. Namimihasa ka. Laki ka sa layaw at wala kang pakialam kong marami kang mapipinsala na paninda ng ibang tao.” Pagkatapos niyang gawin iyon ay iniwan niya ako sa kusina. Naisip ako sa kanyang sinabi. Kailangan ko yata na humingi nang tawad sa lola niya kung ganoon. Ayokong ma-bad shot sa akin ang lola niya. Hindi ko na lang pinansin pa ang masasakit niyang salita. Sus, si Eljehanni Elites ito. Walang-wala ang mga sakit na iyan. *** ’Saktong lunch time noong dumating ako at ulam na ang dala ko. Salubong agad ang kilay ni Azul when he saw me. Kumindat lang ako sa kanya. “Magandang tanghali po!” masayang bati ko at kumunot ang noo ng matandang babae. Siya na yata ang lola ni Azul. “Ikaw po ba si Lola Molai?” “Kilala mo ako, hija?” tanong niya sa akin na tinanguan ko. “Teka, ikaw yata ang babaeng sakay ng kabayo kahapon.” Bayolenteng napalunok ako sa sinabi niya. Naalala niya ako. Magagalit na siya. OMG ka talaga, Eljehanni! “O-Opo,” nauutal na saad ko. Natatakot ako na baka pagalitan na niya ako. Huhu. Pero iba yata ang inaasahan ko na eksena namin. Akala ko ay magagalit siya sa akin at pagsasabihan niya rin ako ng masasama. Kasi ang bad din kaya ng pogi niyang apo. Ngunit sinuri niya ang buong katawan ko. “Lola...” tawag niya sa lola niya at ako naman ay naguluhan. “B-Bakit po? M-May hinahanap po ba kayo sa akin?” kinakabahan ko pa ring tanong. “Hindi ka ba nasaktan?” bigla ay tanong niya at umawang ang labi ko sa gulat. “S-Saan po? B-Bakit naman po ako masasaktan? Hindi po ba kayo ang na-out balance kahapon? Nasayang din po ang dala nitong gulay,” nahihiyang saad ko. Pinagtitinginan kami ng mga katabi nilang tindera at hindi pa rin nila ako nakikilala. “Sa bilis nang pagpapatakbo mo ng kabayo mo kahapon at ilang beses na pagpalo mo sa kanyang puwitan ay imposibleng hindi ka niya hinulog.” “Po?!” nagugulat kong tanong. Paano naman niya nalaman iyon? Paano siya nakasisiguro na iyon nga ang nangyari?! “Maputla ka at medyo...mainit din.” Bahagya akong umatras. Naramdaman pala niya ang init ng katawan ko. “Ay, mainit po kasi ang sikat ng araw ngayon. Kaya mainit po at saka po ayos lang ako. Pasensiya na rin po kahapon. Babayaran ko na lamang po ang mga na-damage kong gulay.” “Hindi na kailangan, hija. Wala namang nasayang at kung mayroon man ay ayos na iyon.” Saan kaya nagmana si Azul? Bakit hindi sa Lola Molai niya na super bait? Eh, siya pinaglihi yata ng nanay niya sa sama ng loob at sa gulay na ampalaya. “Pasensiya na po talaga.” Humakbang palapit sa akin si Azul at mabilis akong dumistansya pero hinawakan niya ang pulso ko at sinalat ang noo ko pababa sa aking leeg. Malakas na tinabig ko ang kamay niya. “Tsantsing ’yan, oy,” ani ko at mariin lang nakatikom ang kanyang bibig hanggang sa mapadaing ako nang hapitin niya ako sa baywang ko. “Grabe na ’yan, ha,” dagdag na usal ko ngunit mas hinapit niya ako palapit sa katawan niya. Kinapos ako nang hininga kasi ang sakit ng braso niyang nasa balakang ko. Nahihiyang ngumiti ako sa matandang babae na naguguluhan din sa inasal ng kanyang apo. “Azul, apo... Ano ba ang ginagawa mo sa kanya?” tanong nito at tumaas ang balahibo ko sa katawan nang hawiin niya pataas ang laylayan ng shirt ko. Narinig ko ang mahina at malutong niyang pagmumura. Akala ko pa naman ay hindi siya marunong na magsalita ng bad words. Mabilis niya ring ibinaba iyon at hinaklit ang kamay ko. “Saglit lang po, ’La. Babalik din kami,” paalam niya at hinila na nga niya ako palayo roon. Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at bumalik sa puwesto ng kanilang tindahan pero hinuli niya ulit ang pulso ko. Kinaladkad pa niya ako. “Ano ba ang problema mo?! Saan mo ako dadalhin?!” sigaw ko sa kanya. Pinalo-palo ko ang kamay niya para mabitawan na niya ako pero ayaw niya. “Azul!” Until kinagat ko ang kamay niya nabitawan niya ako. Mabilis akong tumakbo at nagtungo sa Lola niya. “Hello po, Lola Molai. Ako nga po pala si Eljehanni Elites,” pakilala ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya para magmano. Ngumiti siya sa akin. “Eljehanni,” mariin na sambit ni Azul sa pangalan ko. Umupo ako sa tabi ng lola niya para hindi na niya ako hihilahin pa. Balak na naman niya akong paalisin, eh. “Gusto ko pa rito, Azul. Huwag kang makulit. May dala akong ulam dito para sa Lola mo,” ani ko at mariin siyang napapikit. “May sakit ka.” “Wala! Oks lang naman ako. No worries, si Eljehanni ito. Malakas at maganda pa,” saad ko pa at dumaing ako nang hawakan na naman niya ang pulso ko. “Lola ba...” sumbong ko sa kanyang lola. “Saan mo ba kasi siya dadalhin, apo?” “May pasa po siya sa bandang balakang niya, Lola. Tama nga po kayo na nahulog siya kahapon.” “Hoy! Pervert ka!” akusa ko sa kanya kasi nakita niya ang likuran ko. “Sumama ka na lang sa akin at gagamutin ko ’yan,” mahinahon na saad ko. “Ayoko. Maayos naman na ako,” sabi ko pa at pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya. In the end ay sumuko na rin naman siya na ikinangiti ko. Masama pa rin ang tingin sa akin ng batang babae. Tinulungan na lamang niya ang lola nila na magbenta ng kanilang paninda at ako naman ay binigyan ni Lola Molai ng prutas na ngayon ay kinakain ko na. Tinanggap naman niya ang ulam na dala ko. Akala ko ay hindi na babalik pa si Azul at may bitbit na siyang itim na supot. “Saan ka nagpunta, Azul?” tanong ko sa kanya. Parang close kami kung makapagtanong ako, ’no?” Umupo siya sa tabi ko dahilan na bumilis ang t***k ng puso ko. Tiningnan ko ang dala niya. Ice candy iyon. Kumuha ako ng isa at hindi naman siya kumibo pa. “Tumalikod ka,” utos niya at pinagtaasan ko siya ng kilay. “Ang sabi ko ay tumalikod ka, Eljehanni.” “Bakit ba?” “Sige na, hija. Ipagamot mo na ang pasa mo. Kapag nalaman iyan ng Papa El mo ay mag-aalala siya. Si Señora Certiza rin.” “Hala kilala niyo ho pala ang Mama at Papa ko, Lola?” gulat kong tanong. “Aba’y oo naman. Sinabi na sa akin ni Azul. Ikaw ang señorita nila,” aniya. Napatango-tango na lamang ako. Nang hindi ko sinunod si Azul ay siya na mismo ang lumipat nang upuan pero humarap pa rin ako sa kanya habang kumakain na ako ng matamis na ice candy. Mariin siyang napapikit at hinagod ng mahahaba niyang ang buhok niyang may kahabaan. “Isa, Eljehanni,” mariin na sambit niya. “Dalawa,” pagbibilang ko. “Huwag mong painitin ang ulo ko, Eljehanni.” “Bastos kasi ang ginagawa mo, eh. At saka nagamot ko naman ito.” “Pero hindi mo nilagyan ng yelo kaya ganyan na ang kulay niya!” sigaw niya. “Eh, pakialam mo ba sa pasa ko?! Magpahulog ka rin sa kabayo mo para may pasa ka rin!” “Sasabihin ko na ito sa Papa mo.” Tumalikod na lamang ako para gamutin na niya ang sugat ko. Napatingin ako sa bata na masama pa rin ang tingin niya sa akin. “Azul, ang kapatid mo ay may galit yata sa akin,” ani ko. “Tss.” Napaigtad ako nang dampian niya ng malamig na yelo ang bandang likuran ko, particular na sa balakang ko. “Paano ka ba nahulog, hija?” his grandmother asked. “Nabitawan ko po ang tali ng kabayo ko at sumipa siya sa ere kaya nahulog po ako,” paliwanag ko. “Mag-iingat ka na ulit, hija.” “Opo,” tipid na saad ko. “Hindi ka ba hinimatay?” tanong naman ni Azul. “Malakas kaya ako. Bakit naman ako hihimatayin? Dumilim lang ang paningin ko at nakakita ako ng maraming bituin,” saad ko na parang wala lang sa akin ang nangyari. “Bakit kasi ang kulit mo? Psh.” Ilang minutong nakadikit sa balay ko ang yelo. Tinatanggal naman niya paminsan-minsan tapos namamanhid na siya. Nawala lang iyon ng may inilagay siya. “Hindi ako makulit. Masama lang ang attitude mo,” giit ko at inayos na niya ang shirt na suot ko. Hindi na gaano ka-sexy ang outfit ko ngayon. Kasi malamig—dahil ito sa lagnat ko. “Dito ka na rin kumain, hija.” “Sige po, hindi ko tatanggihan ’yan,” nakangiting saad ko. When I saw his reaction ay inilabas ko ang dila ko para asarin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD