Nagda-drive ako ngayon ng golf cart at kasama ko ngayon si Irene para i-tour siya sa buong farm. Dinala din niya sa amin ang mga designs niya para sa coffee shop na itatayo namin sa bayan. May nakita na kaming pwesto at na-approved agad ang business permit namin. Kung anuman ang ginawa ni Yhuno para mangyari ito, hindi ko alam pero nagpapasalamat ako sa kanya. Ilang araw na rin ang nakalipas na nandito si Aldhos and so far, nakikita ko na nakakapag-adjust siya ng mabuti. Sanay na rin ang tatlo sa paggising ng umaga at sa totoo lang sa iisang kama kami natutulog. Mabuti na lang talaga at malaki ang kama, ang lalaki din kaya ng mga katawan nila. It’s quite comforting but at the same time, napapagod din ako. Tatlo ba naman nag-gagwapuhan na lalake at malakas pa ang stamina na nakakasama ko

