Napatili ako habang tumatakbo palayo sa magkakapatid habang naglalaro kami ng water gun. Kasalukuyan naming ine-enjoy ang free time namin sa ilog at para kaming bata na naglalaro. Hindi ko lubos maisip na nakahawak ako ng water gun at nagbabasaan kaming apat habang humahagikgik sa saya. Kanina pa kami tapos kumain ng lunch at puno na naman kami ng energy. Ang sarap magtampisaw sa ilog, hindi malamig ang tubig, sakto lang na hindi ka manginginig sa lamig kaya masaya rin kaming nag-swimming. Napatili ulit ako ng mahuli ako ni Aldhos, humawak siya sa bewang ko, binuhat ng konti at pinaikot-ikot. "Aldhos! Ibaba mo ko!" Sigaw ko pero tumawa lang siya. Tuluyan niya na kong binuhat, parang sako na nilagay sa kanyang balikat at patakbo na pumunta sa kubo. "Hoy! Ano bang ginagawa mo?!" Pinalo-pal

