Chapter 8

2054 Words

“QUINN, maganda ang project mo. Maisasama natin ito sa exhibit,” puri ni Miss Soriano na siyang nagpagawa sa kanila ng project. Gusto daw kasi nitong I-promote ang kakayahan nila sa paggamit ng indigenous materials. Gagamitin nila iyon para sa exhibit na gagawin sa foundation day. Pero di lang simpleng kubo ang ipinasa niya. Ginawan din nila iyon ni Chance ng clay figures nila Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at mga Katipunero na nagpupunit ng cedula na kagaya sa Sigaw ng Pugadlawin. Gusto kasi ni Quinn na maging makabuluhan iyon. “Tinulungan po ako ni Chance sa project ko,” pagmamalaki niya sa guro. “May sugat po kasi ang kamay ko.” “Mabait talaga ang batang iyon. Talented pa. Gusto mo bang makita ang ginawa niya?” tanong ng guro at iginiya siya papasok sa library kung saan nakalagak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD