Parang may napansin nga akong kakaiba simula ng makaharap ko si Miss Anne. Tama nga kaya ang sabi niya sa akin na gumamit siya ng kung anong kapangyarihan para hindi makalapit sa akin si Marites? Iba kasi ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Para bang ang gaan ng paligid ko hindi katulad noong alam kong nasa paligid lang si Marites. Hindi na ako nagmamadali na maligo o gumamit ng cr sa takot na baka kasama ko na naman siya sa loob. Hindi rin ako nakakaramdam ng kahit anong pagkabalisa o takot kahit mag-isa na lang. Ibig sabihin lang ay mabusa kung anuman ang dasal na ginawa ng mangkukulam na yon. Effective pala siya. Buong akala ko ay gawa-gawa o scripted lang ang pinapakita nila screen sa tuwing may tutulungan silang ginagambala ng masasamang espiritu. Sabagay, nakita niy

