Mabuti na lang at hindi naman ganun kalala ang natamo kung lapnos dala ng kumukulon mainit na tubig na natapon sa likod ko at hindi ako napinsala ng masunog ang damit ko dahil nasagip agad ako ng boyfriend ni Rosa. “Reyna, mabuti na lang talaga at walang malalang nangyari sayo kanina. Kung hindi kami agad dumating ay baka nasunog ka na kasama ng buong bahay,” ani Rosa na inaayos ang mga gamot ko. Mabuti na lang talaga at walang nangyaring mas malala pa. Napapahamak ako sa tuwing magpapakita talaga si Marites. Hindi talaga niya talaga ako patatahimikin sa ginagawa niyang pagpapakita at pananakot sa akin na lagi na lang may nangyayaring masama sa akin. Paano ko ba mapapaalis ang impaktang yon sa buhay ko? Napa bendisyon ko naman ang buong bahay para hindi na siya makapanggulo sa akin

