Napakaganda ng bagong bahay na nilapatan namin ni Nanay.
May mataas na gate at bakod at malayo sa ibang mga kapitbahay.
Wala na kaming mga kapitbahay na mga tsismosa at mga inggetera na walang ginawa kung hindi ang pag-usapan ako dahil hindi nila matanggap kung anong meron ako ngayon ay wala sila at hindi sila magkakaroon ng kahit na kailan.
Narito ako ngayon sa balcony sa sarili kong silid na nakaharap sa sa harap bahay habang umiinom ako ng kape. Gusto ko nga na gayahin na ang mga mayayaman na wine ang iniinom kapag ganitong nagmumuni-muni. Sa ngayon ay wala pa akong wine sa loob ng bahay kaya sa susunod na mag grocery kami ni Nanay ay sisiguraduhin kong una kong bibilhin.
Tinatanaw ko ang lahat ng kayang tanawin ng panangin ko.
Napakaganda talaga sa paningin ang malinis na kapaligiran. Tahimik at walang mga pakalat-kalat na mga madudungis na bata. Mga naka hubad baro na mga kalalakihan at walang mga nag uumpukan na mga kababaihan.
Ganitong buhay talaga ang dapat sa akin kaya dapat lang na magpakasaya ako.
Tumingin ako sa malawak na kalangitan at saka pumikit at huminga ng malalim.
Ngunit sa pagmulat ng mga mata ko ay may nakita na naman ako na hindi kanais-nais.
Si Marites.
Naglalakad siya sa kalsada sa labas ng bahay ngunit dito sa bahay ko ang tinutumbok niya.
Ilang beses akong pumikit-pikit dahil alam kongb imahinasyon lag siya pero wala pa rin.
Papalapit na siya ng papalapit sa bahay ko.
“Nay! Nay!” tawag ko kay Nanay para siguraduhin na nakalocked ng mabuti ang gate ng bahay.
“Nay!”
Ngunit hindi yata ako naririnig ni nanay kaya ako na ang lumabas ng bahay para tingnan kong nakalocked ng mabuti ang gate.
“Hindi ka makakapasok ditong demonyo kang Marites ka!” sigaw ko habang dinoble-doble pa ang padlocked ng gate para walang sino ang makapasok lalo na si Marites.
Pabalik na sana ako sa loob ng bahay ng mapatingala ako sa itaas ng balkonahe ng silid ko ngunit laking gulat ko na kung saan ako nakatayo kanina ay naroon na si Marites. At kahit natatakpan ng kanyang mahabang buhok ang kanyang mukha ay alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
“Hindi. Hindi! Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay kong demonyo ka!” sigaw ko pero hindi natitinag si Marites kaya naman tumakbo ako sa loob ng bahay para puntahan siya.
Hindi ako natatakot sa kanya. Minsan ko na siyang pinatay kaya kayang-kaya ko ulit gawin ang pagpatay sa kanya.
Pagbukas ko ng front door ay bahagya pa akong napaatras ng nakatayo na pala siya doon.
“Kamusta, Reyna?” tanong niya sa nakakatakot na tinig. Ang boses niya ay para bang nanggaling sa napakalalim na balon.
“Lumayas ka rito dahil hindi ka imbitado sa bahay ko!” pagtaboy ko sa kanya.
Ngunit tumawa si Marites. Ang tunog ng tawa niya ay napakasakit sa tainga ko.
“Bahay mo? Sigurado ka na sayo ang bahay na ito?” tanong niya sa akin habang naglalakad siya ng bahagya patungo sa harapan ko kaya naman napapaurong ako.
“Alam mo na hindi sayo ang bahay na ito, Reyna. Kaya wala kang karapatan na palayasin ako dahil ikaw ang dapat na lumayas!” asik niya at saka ako mabilis na nilapitan at sinakal sa aking leeg.
“Wala kang awa! Sa halip na tulungan mo akong makaahon sa pagkakahulog ko ay mas pinili mo na isara ang butas at pabayaan akong mamamatay! Kaya ikaw ngayon ang mamamatay! Papatayin din kita gaya ng pagpatay mo sa akin!” galit na galit na sabi sa akin ni Marites.
Dahil magkalapit lang ang mukha naming dalawa ay nakita ko ang mukha niya na natatakpan ng kanyang mahabang buhok.
Duguan ang kayang mukha at pulang-pula sa galit ang kanyang mga nanlilisik na mga mata.
Pilit kong inaalis ang mga kamay niyang nakasakal sa leeg ko pero kapag pinipilit ko ay lalo itong sumisikip at hindi na talaga ako makahinga.
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga.
“Ikaw ang tsismosa, Reyna. Ikaw ang inggitera, ikaw ang mapanirang puri, isa kang magnanakaw at mamamatay tao! Kaya dapat lang sayo na isama kita papuntang imyerno!”
“Nay! Nay!” tawag ko sa nanay ko pero hindi ko alam kong may lumalabas pa bang boses sa bibig ko.
“Nay, tulungan mo ako!” sigaw ko na lang yata sa isip ko.
“Wala ng tutulong sayo, Reyna! Wala ng nais na tulungan ka dahil masama ka!” sabay tawa na nama ni Marites.
Nanghihina na ako. Pakiramdam ko ay mamamatay na nga ako.
Hindi pa ako pwedeng mamamatay dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pera at ganito kalaking bahay.
Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil marami pa akong tv guesting na gagawin.
Hindi ko pa napapanood ang kabuuang interview sa akin na ipapalabas sa sikat na programa sa telebisyon.
Hindi pa ako pwedeng mamamatay!
“Reyna! Reyna!”
Si Nanay?
Nabuhayan ako ng loob ng marinig ang boses ni Nanay.
“Reyna! Gising!”
At doon ko minulat ang aking mga mata.
Nakita ko nga si Nanay sa tabi ko at alalang-alala ang mukha na nakatunghay sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko.
Panaginip lang pala.
Isang masamang panaginip.
“Narinig kitang sumisigaw mula sa kwarto ko. Ano ba ang nangyari sayo at grabe naman yata ang napanaginipan mo? Binangungot ka sa unang araw pa lang ng pagtulog natin sa bagong bahay na ito,” sabi ni Nanay.
Napatingin ako sa buong paligid.
Panaginip lang ba talaga ang lahat?
Pero totoong-totoo na nakita ko si Marites kanina.
“Anak, bakit binabanggit mo ang pangalan ni Marites? Siya ba ang napanaginipan mo?” usisa na naman ni Nanay at inabutan na ako ng isang basong tubig.
“Si Marites po, nay? Anong sinasabi ko sa panaginip?” kinakabahan kong tanong at naka ipinagkanulo ko na ang sarili ko.
“Parang nakikipag-away ka sa kanya, nak. Marami ka pang sinabi pero bakit ang pagkakaintindi ko ay may namatay o pinatay.”
Napalunok ako ng marahas.
“Panaginipa lang po yun, Nay. Siguro po ay kakaisip ko rin kung nasaan na ba si Marites kaya hanggang sa panaginip ay napapanaginipa ko po siya.” Pagsisinungaling ko na lang.
“Siguro nga, nak. Magpahinga ka na muna bago ka bumalik sa pagtulog mo at huwag mong kalimutan na magdasal. Huwag mo na rin masyadong iniisip si Marites dahil kung saan-saan ka na dinadala ng imahinasyon mo.”
Tumango na lang ako sa narinig at saka na nga ako tuluyan na iniwan ni nanay.
Tumingin ako sa orasan.
Pasado alas dos pa lang ng madaling araw.
Ang oras kung saan magkasama kami ni Marites noong araw na maaksidente siyang mahulog sa malalim na kanal.
Babalik na sana ako sa kama ng mapansin na nakabukas ang balkonahe sa aking silid.
Isasara ko na sana ngunit napansin ko ang tasa na aking gamit sa pag-inom ko ng kape.
Hindi ko ugali na mag-iwan ng tasa na pinaggamitan ko kung saan-saan. Kaya naman anong ginagawa ng tasa sa terrace?
Nakalimutan ko lang ba na iligpit?
Binuksan kong muli ang sliding door para kunin ang tasa at isabay ng iligpit kasama ng baso na pinag-inuman ko ng tubig.
Isinara ko ng mabuti ang sliding door pagkuha ko sa tasa at balak ko naman na lumabas ng silid at magtungo naman sa kusina bitbit ang dalawang baso na pinag-inuman ko.
Ang pinto naman sa silid ko ang isasara ko ng muntik kong mabitawan ang baso at tasa na hawak ko ng maaninag si Marites na nakaupo mismo sa lamesa kung saan ko kinuha ang tasa.
Pumikit-pikit ako at saka muling tumingin sa labas ng balkonahe pero wala na akong maaninag na Marites.
Nagpapaalala na ba siya sa ginawa ko sa kanya?
Binabalikan niya na ba ako dahil sa yaman na tinatamasa ko?
O baka naman pati siya naiinggit sa akin kaya niya ginagawa ang lahat ng mga ito?
Tinatakot niya ako at pinagbabantaan na patayin hanggang sa panaginip ko. Alam niyang hindi patas ang laban kaya tinatakot niya na ako ngayon.
Hindi siya magtatagumpay.
Kung inaakala niya na maagaw niya sa akin ang lahat ng meron ako ay nagkakamali siya. Mabuti pa ay manahimik na lang siya sa kung nasaan man siya at huwag ng magbalik pa.
Akin ang lahat ng mga ito at ang dapat niyang gawin ay tanggapin na natalo siya at ako nanalo.
Naiintindihan ko ang pagnanasa niyang magtagumpay at manalo para sa kanyang mga ka-tribo pero sadyang ganun ang buhay.
May panalo at may talo.
May nabubuhay at meron din namamatay.
At sa aming dalawa, siya ang talo at ako ang panalo.
Hindi ko kasalanan na tanga siya. Hindi ko kasalanan na hindi niya nakita ang malaking butas kung saan siya nahulog. At hindi ko kasalanana kung namatay man siya.
“Dahil madaya ka, Reyna. Dahil madaya ka na, magnanakaw ka pa,,,”
Napakislot na naman ako sa narinig na may malalim na boses na bumulong sa akin.
“Madaya kang magnanakaw ka,,,”
Tinakpan ko ang dalawang tainga ko ng dalawa ko ring mga palad para wala na akong marinig na kahit na anong bumubulong sa akin.
“Wala akong naririnig. Wala akong naririnig. Hindi totoo ang mga naririnig kong mga bulong.” Pangungumbinsi ko sa sarili ko.