GRACE Salubong ang kilay niya na napatitig siya sa lalaki at iba ang pakiramdam niya ngayon, kinakabahan siya. Umaayos siya nang upo at sinuklay niya ang buhok niya na magulo dahil kakagising lang niya. Ramdam niya ang mga matang nagmamasid sa kanya. “Kahit buhaghag o magulo ang buhok mo, you’re still pretty in my eyes, Grace.” Sinamaan niya ito ng tingin. Mahina itong natawa sa reaksyon niya. Para bang nasisiyahan siya nitong pagmasdan. “Huwag mo akong biruin, Sir Nathaniel dahil hindi ko pa rin nakalimutan ang ginawa ninyo sa akin. Natanggal ako sa trabaho ko dahil sa’yo,” matapang niyang tugon dito. Kahit sa kalooban niya ay sobrang lakas ng pintig ng puso niya dahil sa kaba. Sila lang dalawa dito dahil hindi pa dumating si Nadia. “Alam kong ikaw ang nagsumbong kay Sir Dave, kung ba

