GRACE Naguguluhan siya sa kinikilos ng boss niya. Nakapagtataka na biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa isipan nito para ganoon ang pakikitungo sa kanya. Tandang-tanda niya na sinabi nito na ‘SHE’S NOTHING’ kaya bakit naman siya maniniwala sa pinagsasabi ng lalaki na hindi ito nagbibiro? Ano iyon? Sa isang iglap ay bigla na lang nitong na realize na may pagtingin pala ito sa kanya? Napailing siya at natawa na lang dahil hindi siya maniniwala sa sinasabi nito. “Grace, pakihatid nga ito sa VIP Room number 14.” “Right away!” Masayang kinuha niya sa counter ang order ng VIP nila at tumungo na sa itaas. Unang araw pa lang niya rito sa bar ni Sir Dave. Yes, bumalik na siya rito dahil gusto na niyang magtrabaho ulit. Hindi naman siya nahihira

