NATHANIEL Nagising na lang si Nathaniel sa malakas na kalabog sa labas ng silid. Hindi sana siya babangon ngunit parang gustong gibain ang pintuan. Inilibot niya ang kanyang paningin at kumunot ang noo niya na hindi siya sa silid natulog. Hinanap ng mga mata niya si Grace ngunit wala man lang bakas ng dalaga. Umalis na ba ito? Napahagod na lang siya ng kanyang buhok at bumaba na sa kama upang pagbuksan niya kung sino ang nambubulabog. Napamura na lang siya na parang pinukpok ng martilyo ang ulo niya dahil sa sakit. s**t! Gusto niyang iumpog sa pader ang ulo niya. Hawak-hawak niya ang kanyang ulo habang binuksan niya ang pintuan. Ngunit ang Kuya Vince niya ang nasa harapan niya. Naniningkit ang mga mata nitong pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakangiwi itong tiningna

