GRACE CINCO Napatitig siya sa libro na nasa harapan niya. Gusto niyang maiyak sa daming pag-aaralan niya. Hindi niya akalain na ganito pala ang haharapin niya na parang wala ng bukas ang pag-aaral niya. Anim na libro ang binigay sa kanya ng private teacher at dapat daw ay masagot niya ang binigay nitong assignment. Kailangan din niyang pag-aralin ang binigay nitong task dahil may exam sila. Hindi naman niya inaasahan na ganito pala kahirap ang kanyang pag-aaral. Mas okay pa na nasa eskwelahan pa siya, pero ito siya, pinapahirapan siya ng teacher niya. Napakamot siya ng ulo dahil wala siyang naintindihan na solusyon na binigay sa kanya ng guro niya. Dahil sa inis ay kiniyumos niya ang papel at tinapon na lang basta-basta ang papel. Ngayon pa lang ay para na siyang papatayin sa hirap ng sol

