GRACE Nasa kalagitnaan nang pagtulak ng malaking kahon kung saan ay nasa loob siya ay bigla niyang binuksan ang kahon dahil hindi pa rin nawala ang kabang naramdaman niya. Sobra pa ring lakas ng pagtibok ng puso niya. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang alak. Kailangan niya ng alak para mawala itong kabang naramdaman niya at bigyan siya ng kompiyansa sa sarili na magawa ito. Napatingin sa kanya ang mga nagtulak ng kahon. Nagtatakang tingin ang pinukol ng dalawang waiter sa kanya. “Grace, bakit ka pa lumabas? Umupo ka lang diyan at malapit na tayo sa pupuntahan natin.” “Pwede bang humingi ng favor? Gusto kong uminom ng kahit kaunting alak para mawala itong kaba ko. Tila ba’y mas lalo pa akong kinakabahan na malapit na tayo sa pupuntahan natin,” nakangiwing wika niya sa dalawa. Napakam

