Queenie and Adan 15 - Ending

1466 Words
“I’VE REALIZED something,” magkapanabay pa nilang sabi ni Adan. Nagtagpo ang kanilang mga mata. For the next couple of minutes, they savored the moment. Isang buwan na halos mula nang magsimula silang maglabas-labas. Bagaman sa pakiramdam ni Queenie, kahit na hindi pa sila umabot ng ganoon katagal, ay alam na nitong tukuyin ang nararamdaman. “You first,” aniyang kumikislap ang mga mata sa kaligayahan. “No. The lady first.” Nagbuntong-hininga siya. “I think I’m falling for you,” walang inhibisyong pag-amin niya. Titig na titig siya sa mga mata nito. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon nito. Tumiim ang titig nito sa kanya at pagkatapos ay waring kumislap ang mga mata. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “I feel the same.” Ngunit tila hindi sapat sa kanya ang sinabi nito. “Aren’t you happy? Do you still think about Greggie? Wala na. I mean, hindi na rin ipinagpilitan ni Daddy na ipakasal ako sa kanya.” Matamlay itong tumango. “Nabanggit mo na iyan sa akin. Queenie, I want you to know my plans.” “Go ahead. What are they?” “Nagdesisyon lang akong pumunta rito dahil gusto kitang makita. Pero wala sa plano ko ang magtagal. I just thought two weeks would be enough. But I’m still here.” “Because you really want to see me,” pabirong sabi niya. Noon lang niya ito nakitang nagseryoso at naiilang siya. “Yes. All the while I kept telling myself that I was just curious about you. You’re so honest about your feelings. And you were never afraid to show it. You don’t mind kissing in public. At palagi na ay sinasabi ko sa iyong hindi kita dapat gustuhin. I should prefer Leigh. Because...” Bigla siyang nainis. “Eh, de bumalik ka sa kanya. Ganoon lang kasimple. With her, you’re sure that she’s still a virgin.” “Virginity doesn’t matter. I love you,” madamdamin nitong sabi. “It’s all right,” proud na sabi niya. “Everybody thinks it is love when they want something. I like my Escada bag. In fact, I love it!” patuya pa niyang dugtong. “No, Queenie. I love you sa kabila ng lahat ng mga bagay na nakita kong dapat na ika-turn off ko. I love you because of you. Hindi dahil sa iba pang dahilan.” Napahugot siya ng hininga. “I love you, too, Adan. Maybe because you never try to please me. Maybe because you have the guts to command me. But really, I never thought of those reasons. I love you, kasi iyon ang nararamdaman ko. See? Wala namang problema. Bakit ka nagkakaganyan?” “Queenie, I no longer plan to stay here. After a while, naisip kong puwede naman akong mabuhay sa Pilipinas. May kapirasong lupa, may pinag-aralan din. Why do I have to stay here? Maraming univer-sities ang nag-o-offer sa akin na doon ako magturo.” “Tell me, nag-aalala ka bang hindi ako sasama sa iyo?” “Queenie, sanay ka sa ginhawa. You were born with a silver spoon in your mouth. Kaya naman kitang buhayin nang marangya pero hindi kasinrangya ng nakagisnan mo.” May sumilay na ngiti sa mga labi niya. “Tell me, may balak ka bang pakasalan ako?” “I do. Ang inaalala ko ay tatanggi ka.” “Silly thoughts. Why don’t you ask me first?” Waring natigilan ito. Ngunit hindi nagtagal ay muli nitong ibinuka ang mga labi. “Will you marry me?” “Yes, because I love you,” maagap niyang sagot. “At kahit saan mo gustong tumira, walang problema sa akin. Madali akong mag-adjust, Adan. Kaya kitang pagsilbihan.” Saglit siyang natahimik dahil may naalala siya. “Pag-aaralan ko ring magsiga.” Natutuwang niyakap siya nito. “Hindi mo gagawin ang mga iyon, Queenie. Kaya kitang ikuha ng mga katulong. I just want you to hold on to your promise na pagsisilbihan mo ako.” Gumanti siya rito ng yakap. “I do, promise!” PORMAL na pormal ang anyo ng kanyang daddy nang humarap sila ni Adan. Magkahawak-kamay sila at pandalas ang pisil ng nobyo sa kanyang palad. Tila ina-assure siya nitong magiging positibo ang kalalabasan ng pagharap nila sa kanyang ama. Obvious na pareho silang kinakabahan. Bukod sa mommy niya ay naroroon din si Susan. Sila ni Adan ang nag-request na kasama si Susan sa pag-uusap. “Mahal mo bang talaga ang anak ko, Suzara?” seryosong tanong ng kanyang ama. Sumulyap muna sa kanya si Adan bago sumagot. “Yes, Sir. Mahal ko ho si Queenie.” “Saan mo siya balak itira?” Tumikhim ang binata. “We’re planning to settle down in the Philippines. Pansamantala ay sa Aurora ho muna. Aayusin ko ang naiwan kong lupain doon. Pagbubukas ho ng semester, magtuturo na ako sa UP Diliman. We’ll rent a town house habang hindi pa nakakapagpasya si Queenie kung saan niya gustong tumira.” Tuluy-tuloy ito sa sinasabi. Ang totoo ay hindi niya iyon alam. Gayunpaman ay wala naman siyang tutol sa mga plano nito. Siya naman ang binalingan ng ama. “Would you like that setup, Queenie? Igi-give up mo ang buhay mo rito?” Isang simpleng tango ang naging kasagutan niya. Sinulyapan niya ang ina. Ngumiti ito sa kanya. Batid niyang maligaya ito para sa kanya. “When and where do you plan to marry my daughter?” Tinig uli ng kanyang ama. “We hope for your blessing, Sir. At gusto sana naming sa Pilipinas na magpakasal.” Iyon talaga ang napagkasunduan nila ng nobyo. They both agreed on it dahil malaki ang paniniwala nilang mas may tibay ang kasal sa lugar na walang diborsiyo. Out of the question na ang pag-ibig nila sa isa’t isa. “Susan...” baling ng kanyang ama sa mayordoma. “Sumama ka sa pag-uwi nila sa Pilipinas. Asikasuhin mo ang mga detalye. At susunod na lamang kami ni Dorina.” “Daddy...” Napasinghap siya. Bumaling ito sa kanya. Bahagya itong ngumiti at nakita niyang may kumislap na butil ng luha sa mga mata nito. Hindi na niya napigil ang sarili at nilapitan ang ama. Niyakap niya ito nang mahigpit. “Thanks, Dad.” “I love you, hija,” parang naninikip ang lalamunang wika nito. “I wish you happiness.” “I’m happy, Daddy. Very much.” Lumapit sa kanya ang ina at yumakap din. Nakipagkamay naman si Adan sa kanyang ama. “Love my daughter and take care of her.” Tumango ang kanyang nobyo. “Hindi ko lang ho ipapangako, gagawin ko.” ***** PUMAPASOK pa lamang sila sa shop ni Katrina ay sumalubong na ito sa kanila. Napatda ang babae nang makitang hindi lamang sila ni Adan ang dumating. Nasa likuran nila si Jude. Sumama ito dahil pagkatapos nilang kunin ang wedding gown niya ay damit naman ng mga abay na lalaki ang kukunin nila. “He’s Jude, my eldest brother,” pakilala ni Queenie. Napansin niya ang kakatwang ayos ng dalawa, daig pa ang natuka ng ahas. Titig na titig si Jude sa babae. Si Katrina man ay nalulon yata ang dila. Napatingin siya kay Adan. Parehong kumislap ang kanilang mga mata. Tumikhim si Adan. “Kat, where’s the gown?” Parang napahiyang bumaling sa kanila ang babae. Tinawag nito ang isang assistant. Mayamaya ay inilabas nito ang isang napakagandang traje de boda. Puting-puti iyon at traditional ang yari. At may kasama pang tiara. “Gusto mong isukat, Queenie?” tanong ni Katrina na halatang nako-conscious sa presensiya ni Jude. Nakangiting umiling siya. “May nabasa kasi ako. A wedding gown must not be tried on before the wedding because it symbolizes chastity. And chastity is not tested prior to marriage.” Napangiti rin si Katrina. “Now I know why you chose white.” Ipinaayos na nito sa kahon ang gown. Inihatid pa sila nito sa kotse nang paalis na sila. “Where’s Jude?” tanong ni Adan. Hinanap nila ito. Nang hindi nila makita ang kanyang kapatid matapos ang isang minuto ay nag-yaya na siya. “Iwan na natin. Malaki na iyon at may pan-taxi. He’ll survive.” Nasa highway na sila nang magtanong uli si Adan. “Ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? Parang ang lalim `ata.” “But not deeper than the ocean. You’ll know, on the night of our wedding.” “May palagay akong alam ko na.” “Good.” “God!” he muttered in frustration. “Kaya pala napakagaling mong umiwas.” Tumawa siya nang mahina. “I promised that to myself.” He reached for her hand and gently squeezed it. “I love you, Queenie, my virgin bride.” ••• WAKAS •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD