Katrina and Jude - 4

2296 Words
WALA sa receiving room si Jude. At naramdaman pa ni Katrina ang disappointment nang hindi niya nakita ang binata. But she heard at sound. Nang lingunin niya ay si Jude. He probably came from the comfort room dahil nasa pasilyo ito na naghahati sa work area at dingding ng CR ngunit nakita niyang ang atensyon nito ay nasamga sketches sa ibabaw ng mesa. Tumikhim siya. Nag-angat ito ng paningin nang maramdaman ang paglapit niya. Ni walang bahid ng pagkagulat na maabutan man itong nag-uusyoso doon. "Katrina," anito sa mababang tinig. "These are awesome." Sa ilang saglit ay wala siyang maisip na sabihin. Alam niyang sinsero ito sa pagpuri at hindi niya inaasahan iyon. Jude looked so formal and reserved. Tila hindi marunong mag- appreciate sa gawa ng iba ngunit tiyak niyang walang halong pambobola ang sinabi nito. And besides, tiwala siya sa mga sketches niya. Pinaghirapan niya iyon at alam niyan ng hindi lang iyon basta-basta. "Thank you," sa wakas ay sabi niya. "Saan ka nag-aral?" tanong nito "I'm from Davao. The twenty-five years of my life was spent there. Lumuwas lang ako dito sa Maynila last year to do this business. May mga naging client ako sa Davao na manila-based. They suggested na subukan ko din dito. Luckily, I gain more customers who became loyal to my designs and they became my advertisements. Through recommendations, I had now business who keep me so busy these days. I like this place because I able to make my home upstairs. I can work even late at night kung kinakailangan. Isang lugar na lang din itong mine-maintain ko." "Impressive," ani Jude. "Oh, your tea." Maliksi ang kilos na nilapitan niya ang kalapit na rolling tray. She made two cups at isinilbi sa binata ang isa. Sabay nilang tinungo ang receiving room. "Am I keeping you from work?" relaxed na naupo si Jude. "Hindi naman. I have some spare time this afternoon." "Pareho tayo." Ngumiti ang binata. "Would you mind if we spend spare time together?" Para siyang nahuli ng isang engkanto. She moistened her lips. "I'd like that," halos pabulong na sabi niya. Marahang tumango si Jude. "So would I," pabulong ding wika nito. "Very much." ALAM ni Jude na dapat na siyang umalis. Kanina pa siya tapos uminom ng tsaa. Ipinaglabas pa siya ni Katrina ng French bread na paborito nito. Wala nang dahilan para siya magtagal pa roon. Maliban na lang na ayaw pa niya talagang umalis. Wala nang tao sa shop maliban sa kanilang dalawa. Kanina pa lumagpas ang oras ng uwian at madilim na rin sa labas. Katrina proved to be an interesting woman. She was bright and witty. Walang topic sila na napag-usapan na naubusan ang dalaga ng sasabihin. At hindi nagsasalita ng walang sense. Hindi pa niya naranasang makipag-usap ng ganoon kakomportable sa isang babae. At hindi pa rin niya naranasang manatiling behaved gayong babae ang kaharap. Lalo at malakas ang atraksyon nito sa kanya. Only this time. And he was having a difficult time. Humigop si Katrina ng tsaa nito. At anhin na lang ng binata ay sairin ang patak ng tsaa na natira sa mga labi ni Katrina. Napalunok siya. He found himself wanting her as if he'd been celibating for years— as if he were a teenager alone for the first time with the girl of his dreams! Hindi niya matukoy kung ano ang ginawa ni Katrina sa sistema niya. O kung may ginawa nga ba. Ang tanging alam niya ay gusto niya ang dalaga. Gustung-gusto niyang ayain itong lumabas. Alam niyang madali lang niya iyong gawin. Hindi naman siguro siya mapapahiya kung imbtahan niya ito sa isang casual dinner. O kung mapahiya man siya ay hindi rin naman niya ikasasama ng loob. Subalit sa huli ay pinili niyang magpaalam na. Inihatid siya ni Katrina sa pinto. Ngunit maliban sa naibukas lang nito ang pinto ay wala nang ginawa. They met each other's eyes at daig pa nila ang nahipnotismo. Isang marahas na pagbuntunghininga ang pinakawalan ni Jude bago pinayagan ang sarili na yukuin ang tila naghihintay na mga labi ng dalaga. KATRINA STIFFENED when his mouth covered hers. Ngunit sa sumunod na sandali ay natangay na siya ng bahhagyang pagdiin ng mga labi nito sa kanya. Willingly, she parted her lips and welcomed his invasion. Napaungol si Jude. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at sa pamamagitan ng bahagyang paggalaw ay nagawa nitong maihakbang siya paalis sa may pintuan. Sumara ang pinto dahil sa marahang pagsipa nito at saka siya isinandal sa dingding. His kiss was lingering. At bago pa sila tuluyang matangay ng nakaliliyong halik at magkapanabay pa silang bumitaw. "I'll see you again," ani Jude. Minsan pang yumuko ito at mabilis siyang kinintalan ng halik sa mga labi. At bago pa siya makahuma ay naibukas na nito ang pinto at lumabas. The next second, she found herself alone. NAKAUPO si Katrina sa gilid ng kama. Hawak niya ang sketch pad at lapis pero maliban sa ilang hagod ng lapis ay wala nang makikita roon. Ni wala pang porma kung anong klaseng damit ang nasa drawing. Nasasayangan siya sa mga lumipas na sandali pero wala siyang magawa. Hindi siya makabuo ng disenyo. Ilang araw na mula nang manggaling doon si Jude. At ilang araw na ring basta na lang siyang natitigilan. Then the memory of his kiss would come to her mind. She was not feeling any regret. At hindi niya maintindihan kung bakit parang tama lang iyon.Para ngang nag-aasam pa siya na maulit iyon. Napabuntunghininga siya. She was raised by a conservative family. At kahit marahil hindi sila ganoon kakonserbatibo ay dapat lamang na isiping hindi nila iyon dapat na ginawa. Wala naman silang malinaw na relasyon ni Jude para maghalikan na lang na ganoon. But she felt it was right. The moment their lips met, she forgot almost everything. His kiss felt it was just right. At parang eksena sa palabas na paulit-ulit na nagpe-play iyon sa kanyang memorya. Napapitlag siya nang marinig ang tunog ng huni ng binulabog na ibon. That was the sound of her doorbell. At awtomatikong napatingin siya sa bedside clock. Lampas na ng alas onse ng gabi.  At wala siyang inaasahang bisita. Umulit ang pagtunog ng doorbell. At sa pagkakataong iyon ay mas matagal. Tumindig siya at hinagilap ang roba. At habang tinutungo ang hagdan ay itinatali niya ang sash niyon. Napakunot ang noo niya. Hindi niya napigil ang sarili na kabahan. Hindi normal na nagkakabisita siya sa ganoong oras. It could be a bad news—na mabilis nyang nahiling na huwag naman sana. Ngunit anumang balita tungkol sa pamilya niya ay mas tamang sa telepono niya tanggapin. Nag-iisa lang siya sa Maynila at tanging si Faith ang itinuturing niyang pamilya. May nangyari kaya kay Faith? At hindi pa man ay kung anu-ano nang pangitain ang pumapasok sa isip niya. Napabuga siya ng hangin. Nag-uunahan ang mga ideya at masamang pangitain sa isip niya. At ayaw na ayaw niya ang ganoong pakiramdam. Minsan pa ay humugot siya ng paghinga. Inihanda niya angs arili sa anumang balita na kakaharapin niya. Hindi na niya naalalang sumilip sa peephole. She unlocked the door at ibinukas iyon. Tanging chain lock ang pumigil para maibukas iyon ng maluwang. "Jude!" she exclaimed in half-surprise. At ganoon na lang din ang pag-baha ng relief sa dibdib niya nahindi pulis ang bisita. Halos maokupa nito ang espasyong nakikita niya. Ang isang kamay ay nakataas sa gawi ng buton ng doorbell at tila balak na pumindot pa uli kung hindi niya naagapang buksan ang pinto. Malakas ang biglang pag-ambon. Bahagyang basa ang buhok nito na halatang sinuklay ng mga daliri. Basa rin ang balikat ng poloshirt na suot. Nang magtama ang kanilang mga mata ay saka palang niya natantong nababasa na ito ng husto ng lumalakas na ulan. "Wait," sabi niya. Mabilis niyang isinara ang pinto at mabilis ding tinanggal ang chain lock. "Pasok ka," aniya nang ibukas iyong muli. “Hindi ko matandaan kung bakit ako naririto," amin ni Jude habang pumapasok. Nang magkatapat sila ng kinatatayuan binigyan siya nito ng isang ngiti. Nalukot ang ilong niya nang malanghap na amoy-alak ito. "Nakainom ka," banayad na akusa niya. Tumango ito. "Yes. I'm sorry. But I assure you, hindi ako lasing." Naniniwala naman siya. Diretso naman ang tindig ni Jude. At maayos ang pananalita. Ni hindi rin namumula ang mukha. "Don’t tell me, nakarating ka dito para manghingi ng kape?" tanong niya. Mahina itong tumawa.”Kung alok iyan, hindi na ako tatanggi. Parang kailangan ko nga.” Pumihit siya para igawa ito ng kape. Ngunit naka-unplug ang airpot na nasa ibaba kung kaya't kailangan niyang umakyat. Dala ang tasa ay tinungo niya ang hagdan. Hindi siya hinihiwalayan ng tingin ni Jude. Kumilos ito para siya sundan. Parang nanigas ang katawan niya. Pribadong espasyo niya ang itaas. Dapat ay sabihan niya itong maghintay na lang sa sofa. But it was absurd. In the first place, hindi na niya ito dapat na pinapasok lalo at ganoong alanganin na ang oras. Pero nakarating sila sa itaas na hindi naman niya ito pinipigilan. Deretso siya sa kusina. Sa sala naman tumuloy si Jude. At habang hinihintay na matapos ang ginagawa niya ay naupo sa komportableng sofa. "Hindi naman ako palaging umiinom," anitong tila nanghihingi ng paumanhin nang ibaba niya sa harapan nito ang mug ng kape. "So bakit ka uminom ngayon?" Kibit ng balikat ang itinugon muna nito. "Wala. I got bored at lumabas ako. I just went to the first bar I saw and had some drinks." Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "Hindi ako maniniwala kung sasabihin mo sa aking walang alak sa bahay ninyo. Hindi mo na kailangang lumabas kung alak lang ang gusto mo." Payak itong ngumiti. "Nasa Laguna ang kapatid kong si Tody. Si Queenie naman ay hindi mapapahiwalay kay Adan. It's all right with me. Kasal na naman sila sa huwes. And besides, we are all raised in the US. It’s not an issue for me. Well, I'm just tired of being alone in my unit. Pero wala naman talagang hahanapin doon. It's just a bachelor's pad, after all." Dinala niya sa labi ang kape ginawa niya para sa sarili. "Wala na kayong mga magulang?" "Nasa States. Mas gusto na nila doon. Three years ago, nagtayo ng business dito si Tody. It bloomed at naengganyo na rin ako na makisosyo. Pinakahuling nagdesisyon na dito tumira ay si Queenie. She was in love at kung saan naroroon si Adan ay natural na gustuhin niyang dumuon din." Pinanood ng dalaga ang paghigop nito ng kape. Maybe, hindi naman nito talaga kailangan ng kape. Ni hindi gumewang ang tasa nang ilapit nito sa bibig. Mukhang nasa matinong huwisyo si Jude. At mukhang hindi pa lalabis sa tatlong shot ng nainom nito. "Jude, wala akong napansing kotse sa labas maliban iyong sa akin." "Naka-taxi ako. Nag-iisip ako kung saan pa ako pupunta dahil ayaw ko pang umuwi. Malungkot nga kasing mag-isa sa pad ko, di ba. Naisip kita kaya dito ako nagpahatid." She wanted to ask, why he had thought of her. Ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. "Pagkatapos mong magkape, gusto mo bang itawag kita ng taxi? I'm sorry hindi kita maihahatid. I don't drive at night. Mahina ang mata ko. Hirap ako sa kalkulasyon." "Walang problema doon. Pasensya ka na kung naaabala kita. But can I stay a little longer, please?" Hindi niya alam kung ang magalang na pananalita ni Jude ang nagtulak sa kanya para tumango bilang pagsang-ayon. Probably it was because of his eyes. Tila iyon ang nakikiusap sa kanya. At hindi niya masupil ang isang ngiti. Jude was terribly polite. Nang ibaba nito ang tasa ng kape ay said na ang laman. Kinuha niya iyon at dinala na sa sink. Ilang sandaling hinugasan niya iyon saka bumalik kay Jude. Napailing na lang siya nang makitang nakayupyop na ito sa sofa. Now she was convinced that he was drunk. At malaki na rin ang pagpapasalamat niya na antok ang epekto ng alak dito kaysa naman sa nagwawala. Kumilos siya para ayusin ang puwesto nito. Kumuha siya ng throw pillow at inilagay sa ilalim ng ulo. Mabigat si Jude. Atkahit na may linaw pa ng kaunti ang isip ay nahirapan siyang iayos ito. Isang paa muna ang isinampa niya bago ang isa pa. Inalisanniya ng sapatos. Kumilos ito para maging komportable sa pagkakahiga at bahagyang dumilat. "Katrina," bulong nito. "Yes?" "Will you go out with me?" Nakagat niya ang ibabang labi bago nakangiting sumagot. "Why not?" That is, if you remember asking me, saloob-loob niya. Wala nang tugon mula kay Jude. Lumapat ito ng higa at itinakip pa ang isang braso sa mga mata. Ilang sandaling tinitigan ni Katrina ang binata. It was amusement to her na wala pa yatang isang minuto ay patag na ang paghinga ni Jude. Mahimbing na mahimbing ang tulog na parang sinaksakan ng gamot. He was as attractive in sleep as he was awake. She was thinking what it would be like kung magkatabi sila sa kanyang kama at magkasalo sa kanyang unan. Napapikit siya. It was a bad thought. Ngunit nang dumilat siya ay hindi niya napigil na yumuko para alisin sa noo nito ang ilang hibla ng buhok na parang napagkit doon dahil sa pagkakabasa ng ulan. He was warm. At parang may nagbubulong kay Katrina na dapat ay hindi na niya ito pinatuloy sa kanyang bahay. Dapat ay pinauwi na niya ito. O dapat ay ipinahiram na lang niya ang kanyang sasakyan tutal ay wala naman siyang lakad kinabukasan. Pero nakainom nga ito, katwiran din niya. Isa pa ay alam niyang huli na para sa alinman doon. Jude was sound asleep at mahina pang humihilik. "Good night, Jude," bulong niya. At bago pa niya tuluyang pinatay ang mga ilaw ay pinagmasdan pa niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD