Queenie and Adan - 2

1386 Words
“GREGGIE is a fine man. May matinong trabaho at kayang tustusan ang mga luho mo sa katawan. I’m sure that he is going to be a good provider.” Daig pa ang diplomat sa tono ng pananalita ng kanyang amang si Romulo. Nasa kama ito at nakasandal ang likod sa marangyang headboard. Sa pagitan ng pagsasalita ay dinadalahit ito ng ubo. Ipinagpauna na sa kanya na may sakit ang ama ngunit hindi naman malubha. Trangkaso lamang. Ngunit pakiramdam ni Queenie ay ginagamit lamang nito ang karamdaman bilang taktika para siya mapapayag sa gusto nito. “Being a good provider is indeed a point,” aniya sa matabang na tono. “But that is definitely not the point here. Ang gusto ninyong mangyari ay pumayag akong magpakasal kay Greggie. My God, Daddy! You are asking for my future.” “Lahat kayong mga anak ko, wala akong ibang inisip kundi ang mapaganda ang kinabukasan ninyo. Queenie, kung pakakasalan mo siya, mapapanatag ako.” Umungol siya ng pagtutol. “This is unfair, Daddy. Hindi mo ba naisip na baka in love kami sa iba? Say Tody for example, sumunod siya sa inyo nang walang salita katiting man. Tinanong ba ninyo si Tody na baka committed na siya sa iba noon?” “Tody is out of the question here. Besides, masaya siya kay Marra. Ngayon, tatanungin kita. May boyfriend ka ba?” Umiling siya. “Whether I have a boyfriend or not, I don’t want to marry Greggie. Goodness! Ni hindi ko siya kilala maliban sa pangalan.” “Both of you will have enough time to know each other.” Payak itong ngumiti. “Unlike Tody and Marra. Sa una pa lang ay wala nang tutol sa magkabilang panig. That’s why madaling naitakda ang kanilang kasal.” “How much time?” tanong niya, out of curiosity. Ngunit ang tanong niyang iyon ang nagbigay ng kislap sa mga mata ng ama. Nakamasid lamang sa kanila ang kanyang ina. “A month. Two at the most.” Lihim siyang napaismid. A month or two? No! “Paano kung hindi kami magkasundo?” nana-nantiyang tanong niya. Ngumiti ang kanyang ama. “It’s impossible. I know Greggie. Alam kong kaya niyang pakibagayan ang ugali mo. At desidido siyang pakasalan ka. Ikaw lang ang binibigyan namin ng pagkakataon.” “Utang-na-loob ko pa?” bulalas niya bago pa niya napigil ang sarili. “Queenie...” banayad na saway sa kanya ng ina. Ito ang nakapunang mataas na ang kanyang tinig. Minsan pa ay umiling siya. “Hindi ko talaga ito maintindihan. Bakit ginagawa ninyo sa amin ito?” “Queenie, ang gusto namin ay mapabuti kayo.” “No, Dad. Pinanghihimasukan ninyo kami. We may be your children pero hindi naman sana hanggang sa puntong ito ay pangungunahan ninyo kami. And besides, bakit si Kuya Jude? He’s the eldest yet hindi siya ang una ninyong ipinagkasundo?” Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. “Queenie, we all know Jude had a traumatic relationship in the past. I don’t think he’s capable of falling in love again.” “In love!” bulalas na naman niya. “You are not giving us a chance to fall in love kung ganyang kayo mismo ang namimili ng pakakasalan namin!” “Queenie!” bulyaw ng kanyang ama. His voice was higher than hers na ikinatigatig niya nang ilang sandali ngunit hindi nabura sa mukha niya ang galit. GREGGIE was indeed a fine man. Ngunit sa puntong boring na itong kasama. Alam ni Queenie na wala siyang magagawa kapag ginusto ng ama kaya siya na rin ang nagdesisyong tigilan na ang pakikipagtalo rito at magpahinuhod na lamang sa gusto nitong mangyari. May hitsura din naman si Greggie. Clean-cut ang buhok nito. His movements showed good manners. Tama ang kanyang ama sa puntong iyon. Edukado ang binata at hindi nakakahiyang maging asawa ng kahit na sinong babae. At heto siya ngayon, kasama ito sa isang dinner date. Ngunit wala siyang ibang gustong gawin kundi ang maghikab. Inaantok na siya samantalang nasa kalagitnaan pa lamang sila ng kanilang pagkain. Nasa isang mamahaling restaurant sila. Masarap ang mga putaheng in-order nito. The ambience was fine. In fact, everything was fine. Except her. She was not feeling good. She was bored to death. At kung hindi nga lang niya isinasaalang-alang ang etiquette ay gusto na niyang isatinig ang nararamdaman. Tumikhim siya. “Ah, Greggie, matagal mo na bang kilala si Daddy?” basag niya sa katahimikan. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito, ngiting nagma-malaki. Halatang proud itong kasundo nito ang magiging biyenan. “Limang taon. I used to be one of his junior executives but I decided to go on my own. We never lost communication. At wala na kaming ibang pinag-usapan kundi ikaw.” “Hindi mo ba naisip na kaya ako ang laging subject ninyo ay dahil gusto ka ni Daddy para sa akin?” Lalong lumuwang ang ngiti sa mga labi nito. “Honestly, Queenie, mas madalas na ako ang nagbubukas ng usapan tungkol sa iyo. I like you, pero hindi sa tahasang paraan na sinabi ko sa daddy mo ang pagkagusto ko sa iyo. Pero siguro ay nahalata niyang interesado ako sa iyo.” “Interesado?” amused na wika niya. “Then why didn’t you approach me? Bakit kay Daddy pa?” Hindi lang niya masabi nang tuwiran dito na alam nitong mas malaki ang magiging tsansa nito sa kanyang ama. Sa halip na sumagot ay binalingan nito ang waiter at hiningi ang kanilang dessert. Pagkainip ang lumarawan sa kanyang mukha. At disgusto. She didn’t like him. Kahit na sa palagay niya ay wala naman itong ginagawang masama. Her dislike towards him was coming from herself. Hindi sa mismong mga nakikita niya rito. “My parents are business associates of your father,” mayamaya ay sabi nito. “Pero dahil gusto kong patunayan ang sarili kong kakayahan ay mas pinili kong magtrabaho muna sa ibang kompanya kaysa sa amin.” Nakikinig lamang siya rito. Hindi niya alam kung saan patungo ang sinasabi nito. At siya naman ang taong hindi malalaman ng kaharap kung bored na bored na siya at hindi interesado sa pinagsasabi nito. Her eyes always looked attentive. Ngunit kapag tinitigang mabuti ang kanyang mga mata ay saka pa lang mapapansing wala naman sa tinitingnan niya ang isip niya. “Even before I worked in your father’s company,” narinig niyang patuloy ng binata. “I always saw him in business functions. My parents and your dad are friends.” Pinigil niyang tumaas ang kanyang kilay. Friends again? Noong ipinagkasundo ng daddy niya si Tody, ang sabi nito ay family friend ang pamilya Legaralde. Ngunit paano nangyaring noon lang niya nakilala nang personal si Marra? Nakikita na niya noon si Marra ngunit sa mga pagtatanghal lamang. Pagkatapos ngayon ay iyon na naman ang katwirang maririnig niya. Friends? Hindi siya naniniwala. Nang sa wakas ay matapos ang dinner ay ganoon na lang ang relief na naramdaman niya. Nalaman pa niya na sa iisang community lamang nakatira ang pamilya ni Greggie at ang kanyang mga magulang. Sa mansion siya nito inihatid. Mula nang banggitin sa kanya ng ama ang tungkol sa kasunduan ay hiniling na rin nito na mag-resign siya sa trabaho. Sumunod siya nang walang reklamo. Ngunit siya lang ang nakakaalam na kaya siya nag-resign ay dahil nabo-bore na rin siya sa kanyang trabaho. Gayunpaman, hindi pa rin siya ganap na pumapayag sa gustong mangyari ng ama. Ang totoo ay may binabalak siya. At habang pinaplano iyong mabuti ay pagbibigyan muna niya ang kanyang ama para hindi ito maghinala na wala siyang balak magpakasal kay Greggie Abad. Minamantini pa rin niya ang apartment niya. Hindi naman siya pinagbabawalang umuwi pa rin doon, subalit mas gusto ng kanyang daddy na sa mansion siya umuwi. Nang ihinto ni Gregie ang sasakyan nito sa porch ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto. Mabilis siyang nakaibis. “Thanks for a nice evening,” polite na wika niya. Maagap din itong nakababa. May balak pa yata itong samahan siya sa loob para magpakita sa kanyang mommy. “Sorry, I can’t invite you in,” aniya sa matamlay na tono. Napatitig ito sa kanya. Nasa mga mata nito ang pagtataka. Ngunit matapos iyon ay matabang na ngiti ang ibinigay niya rito at tumalikod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD