Serah's POV: Nang dumating ako dito sa probinsya namin ay ang unang ginawa ko ay nagpunta ako ng El ldeal Bakery. Matagal na panahon din akong hindi nakabalik dahil na-busy ako sa pag-aaral ko at pagta-trabaho. Kaya ngayong may pagkakataon ako ay uunahin ko munang kumain ng paborito kong tinapay. Noong bata pa ako ay hindi man lang ako makabili ng tinapay dahil halos walang-wala kami noon ng aking ina. Sapat lamang ang kinikita ng aking ina. Sa tuwing nakakaluwag-luwag lang kami nakakatikim. Kaya ngayong kaya ko nang bumili ay agad akong bumili ng paborito kong tinapay, ang bañadas (sugar-glazed cookies) at ang lubid-lubid (sugar-coated crispy bread). Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong nagtimpla ng kape at isinawsaw ang mga nabili kong tinapay. Nakataas pa ang paa ko habang kumakain. "

