Abby's POV: Dahil palagi ako inaasar ni Rem na panget ang lagi kong sinusuot, kaya naman bago kami umuwi kahapon ni mommy ay nagpunta kami sa rtw na pagmamay-ari ng aking ina. Nagsukat ako ng ilang dress na babagay sa akin. Matapos kong maglipstick ng kulay orange ay nagsuot ako ng white crochet top na pinatungan ko ng kulay itim na one-button crop blazer at ang pang-ibaba ko naman ay black mini skirt na hindi umabot sa gitna ng aking hita. Tinernuhan ko iyon ng isang puting rubber shoes. Saktong pagbaba ko ng hagdan ay ang pagdating naman niya, kaya agad na akong lumabas matapos magpaalam kila mommy at daddy. Nasa labas siya ng kan'yang sasakyan at nakatalikod nang lumabas ako. Simpleng black shirt at black pants ang suot niya. Pero kahit ganon ang suot niya ay kitang-kita ang ganda

