Abby's POV: Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako. God, ano 'yung panaginip ko? Pakiramdam ko ay nanuod ako ng pelikula na ang tema ay makaluma. Hindi pa kasi uso 'yung mga hightech na gamit katulad ngayon. Pero ang mga kasuotan naman nila ayy normal na, siguro mga panahong 1980 'yun! Parang may nahagip na kalendaryo ang mga mata ko n'on. At saktong dito pa sa mansion iyon mga naganap. What the hell is that? Ano 'yun may power na ako? Wew! Nagulat pa ako nang mabungaran ang dalawang lalaking nakaupong tulog at nakapatong ang dalawang ulo nila sa aking kamang hinihigaan. Bakit naman dito pa natulog itong dalawang 'to? Hindi pa natulog sa mga silid nila. Sino bang binabantayan nila? Ako? Bakit, ano bang nangyare sa akin at kailangang dalawa pa sila ang magbantay sa akin. Nanlaki

