Abby's POV:
Usap-usapan na may bagong transferee na estudyanteng lalake daw ngayon. Sabi nila ay gwapo at matipuno daw, talaga daw tutulo ang laway mo pagnakita ko daw, hmp!
Ipinagsawalang balikat ko lamang iyon. Mas gwapo parin sa akin 'yung ka-buddy ni kuya Aidan. Siya parin ang pinaka-gwapo sa lahat ng lalake na aking nakita, kahit na bibig at ilong lamang ang nakita ko sa kan'ya.
Ang alam ko tapos na ang training nila, nasaan na kaya siya ngayon? Saan ko kaya siya ulit makikita? Sayang naman hindi ko man lang siya nakilala at hindi man lang siya pinakilala sa akin ni kuya Aidan. Alangan naman na ako ang maunang magpakilala, e di nabatukan na ako ng kuya ko. Tss!
Kasalukuyan akong nakatambay dito sa University square also known as square canteen, ang food hub ng aming University, kung saan maraming iba't-ibang masasarap na pagkain ang mabibili.
"Miss, nalaglag mo!" Dinig kong sambit ng may baritonong boses. Humarap ako sa kan'ya para makita ko kung anong hitsura niya at hindi ang nalaglag ko.
Huuuyyy best! Panalo sa gwapo! Makalaglag panty!
Bumama ang aking tingin sa hawak niyang panyo nang mabistahan ko na hindi ko panyo iyon ay muli akong tumalikod.
"Hindi akin 'yan!" Paismid kong sabi sabay hakbang ko papalayo sa kan'ya. Siya siguro 'yung lalakeng sinasabe nila na bagong tranferee. Kaya naman pala halos mahimatay na ang mga babaeng setudyante dito, sobra naman palang g'wapo niya.
"Teka, Miss!" Habol niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Weh Abby? Talaga bang susupladuhan mi siya? Sayang naman! Kahit na gwapo siya at tumalon ang puso ko pagkakita ko pa lang sa kan'ya ay ayaw ko parin sa kan'ya. Mas gusto ko parin ang ka-buddy ni kuya. At saka hindi rin ako sanay na may nakakausap na ibang lalake. Hindi ko alam pero sa tuwing may kakausap sa akin ay nahihiya ako ng sobra-sobra kahit na gusto ko naman na talaga silang kausapin.
Hinarang niya ako at naglahad ng kamay. Tinitigan ko lang iyon ng matagal at iniwas ang tingin doon.
"Ang arte mo naman babaita ka! Magpapaturo lang naman ako kung saan 'yung (College of Business Administration and Accountancy) CBAA building," sambit niya sa baklang boses. Halos malaglag ang panga ko sa gulat.
Omg! Is he gay? Are you gay, daddy? Oh my God! Ang laki niyang sayang!
"Hello, girl?! Are you with me?" Untag niya pa sa akin. Hindi ko napansin na natulala na pala ako sa kan'ya. Sayang naman ang kagwapuhan niya kung ganito pala siya na isang bading. Omg! Hindi talaga ako makapaniwala.
"Ah... yes! tara, doon din naman ang punta ko, e!" Yaya ko sa kan'ya na nakangiti na.
"Talaga? My name is Rem nga pala," sabay lahad nito ulit ng kan'yang kamay sa akin. Tiningnan ko muna iyon bago kuhanin. Lumabas ang pantay-pantay ng mapuputing ngipin niya nang ngumiti. Shocks! makalaglag panty, hayp na 'to! Ang gago talaga, sinayang ang t**i niya!
"Abby," sabay ngiti ko din. Ang lambot ng kamay niya at parang kay sarap hawakan non. Ngunit nang maalala na gay nga pala siya ay bigla akong napabitaw sa kan'yang kamay at napangiwi ako. Oo nga pala, ganon nga pala pag gay malambot ang kamay. Napadako ang aking mata sa kan'yang pantalon at umirap. Malabot din ang t**i ng hitad, aww!
Sabay kaming naglakad patungo sa building ng CBAA. Nalaman ko na parehas pala kami ng kinukuhang course. At parehas din kami ng schedule kaya malamang sa malamang ay palagi ko na siyang makakasama. Goods ba 'yun o hindi?
Halos lahat ng mga ka-block namin ay nakatingin sa amin este sa kan'ya pala. Ang pogi naman kasi talaga ng gagong 'to, e! Ewan ko ba kung bakit naging bakla siya ang dami tuloy pekpek na nasawi. Sorry girls, hindi madidiligan ang mga tuyo ninyong mga bulaklak.
Umupo ako sa likuran, napatingin ako sa kan'ya ng umupo ito sa tabi ng inupuan ko. Sa tabi ko talaga siya umupo ha.
"Ay, dito na din ako sa tabi mo ha," ngiting-ngiti niyang sabi sa akin. "Ayoko don, nakaka-Cess Drilon!" Sabay dampi-dampi pa nito sa kan'yang noo na parang bang naii-stress nga.
Pinaikot ko ang aking mata at kinuha na lang ang aking notes para sa 1st subject namin ngayon. Lintek talaga, nakakainis pala pag 'yung sobrang gwapo ng lalake tapos nagsalita ng gay linggo. Nakakasira ng imahinasyon, e!
Nang dumating ang bestfriend ko na si Karina ay agad akong tumayo at nagbeso sa kan'ya. Ininguso niya agad si Rem nang makita.
"Bagay kayo," bulong niya pa sa akin sabay kiliti sa aking tagiliran na agad kong ikinangiwi.
"Gaga!" Natatawa kong sambit sa kan'ya. "Sayang nga, beklabu pala!" bulong ko sa kan'ya.
"Hindi ah, mukha siyang lalake sa akin. Panay ang sulyap nga sa'yo!" Maintriga niyang sabi.
Sumulyap naman ako kay Rem na ngayon nga ay nakatingin nga sa amin ni Rina. Chismoso lang ata 'yun, e. Kaya nakatingin sa gawi namin. Baka akala siya ang pinaguusapan namin na totoo naman.
Napahalakhak ako sa naisip.
"Anyare sa'yo, girl?" Nagtatakang tinapik ako ni Rina sa balikat.
"Wala naman may naalala lang ako," natatawa ko paring sabi.
Nang lingonin ko si Rem ay nakatingin parin siya sa'kin. Ano bang ginagawa ng baklang 'to? Bakit parating nakatitig sa akin. Is he a psycho? Inggit ba siya sa beauty ko? God, ang gwapo niya! Sayang talaga!
"May dumi ba mukha ko?" Hindi ko na napigilang tanong ko sa kan'ya. Pakiramdam ko nag-init din ang pisngi ko sa kakatingin niya sa akin. Is he really a gay? hays, napabuntong-hininga tuloy ako ng malalim.
"Wala naman, ang ganders(ganda) mo kasi ateng!" Sabay tapik nito sa braso ko na ikinangiwi ko ulit. Bakla nga ata siya, ang daming alam na gay lingo, e!
Lumipad ang kan'yang kamay sa aking tuhod. Maya-maya ay sa hita ko naman dumapo iyon.
"Hehehe..." Pasimple kong tawa. "Kamag-anak mo siguro 'yung bangaw 'no?"
"Hindi naman, bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Kung saan-saan kasi dumadapo!" Sabay tingin ko sa kan'yang kamay na ngayon ay pumipisil-pisil doon.
Nang makita niya na iyon ang tinutukoy ko ay bigla ang pag-alis niya ng kan-yang kamay.
"Ay, sorry girl! Mannerism ko na kasi 'yon! H'wag kang mag-alala parehas naman tayo babaita kaya hindi tayo talo!" Paliwanag niya.
"Videoke tayo mamaya pagtapos ng klase, d'yan sa dos! sama ka Rem ha," yaya ni Rina na agad todo ngiti kay Rem ang bruha.
Sumimangot ako nang sabihin iyon ni Rina, kami lang kasi palaging dalawa ang magkasama. Pero nang nagpa-cute ang hitad na baklang ito ay kalaunan ay pumayag na rin ako. Why not naman kasi 'di ba? Masaya ang marami.
Agad naman sumang-ayon ang baklita, hays!
Nang matapos nga ang klase namin ay feel na feel ng baklang ito ang pagsama sa amin. Pinaikot ko ang aking mata ng isabit pa niya ang kan'yang kamay sa aking braso. Tss! feeling close talaga nito. Sobra makadikit! Sa sobrang gaslaw niyang kumilos ay kung minsan ay nadadali niya ang aking s**o. Kung hindi lang siya bading ay aakalain ko siyang nananantsing sa akin.
"Ang ganders ng kutis mo, ano?" Sabay haplos pa nito ng kan'yang daliri sa aking mukha na ikinatulos ko.
Hindi ako sanay na may humahawak na lalake sa aking mukha. Kahit na bakla pa siya ay hindi parin ako sanay. Lalake parin siya at hindi talaga ako komportable.
"Sakin na kayo sumakay," alok niya pa sa amin ni Rina.
"Bakit ano bang dala mo?" Nakataas kilay kong tanong.
"Kareta ng kalabaw!" Sabay ngisi niya.
"Ano/what?" Sabayang bigkas namin ni Rina.
Kahit hindi namin alam kung anong uri ng sasakyan niyon ay tila alam na rin namin dahil may kalabaw sa dulo ng pangalan non.
"Balak mo kaming pasakayin sa kalabaw? oh my gosh!" Maarte kong sambit habang pinapaypay ang aking kamay sa aking mukha.
"Te, saan mo naman napulot 'yon at dinala mo pa talaga dito sa syudad?!" Tawang-tawang sambit ni Rina kay Rem.
Nang makarating kami ng parking ay agad pinatunog ni Rem ang kan'yang sasakyan. Nagkatinginan kami ni Rina nang umilaw ang isang Hammer.
"Kayo naman 'di na kayo mabiro," mayabang niyang sabi habang kumekendeng.
Una niyang binuksan ang shotgun seat at inakay ako papasok doon. Unang pasok ko ay nasamyo ko na ang mabangong pabango niya. Ang masculine ng amoy katulad ng katawan niya. Tss! sayang naman talaga ang lalakeng 'to!
E kung gapangin ko na lang kaya siya pagtulog? haha.. ang pogi niya pa naman ng sobra, nakakakilig kaya kapag tumitingin siya sa akin. Ano kayang pakiramdam kapag pumatong ako sa kan'ya? Malaki kaya 'yung anaconda niya? Siguro 'no? Baka nga mataba, e! Kakilig!
Ay, 'wag na! baka mandiri pa siya sa akin. Imbes na may happy ending kami, e sa kangkungan ako damputin. Ang laki pa naman ng katawan ng lalakeng ito. Pipi talaga ako sa kan'ya kung sakali.
"Abby!!!"
"Ay, t**i mong mataba at malaki! ha-huh?!" Gulat kong tanong kay Rina na panay tawa na ng tawa ang bruha.
"Kanina pa kita tinatawag, e! kanina ka pa tulala kay Rem!" Sambit ni Rina na ikinalingon ni Rem sa akin.
"Ay, besh! 'di tayo talo ha!" Sabay irap ni Rem sa akin.
"Ang loko din nitong baklang 'to! sipsipin ko d'yan etits mo, e!" Bigla akong napatakip sa aking bibig ng masabi ko 'yun ng malakas. Si Rem naman ay namula ang mukha sa sinabi ko. Samantalang si Rina ay humagalpak na ng tawa. Gulat na gulat din siya sa sinabi ko ngunit nangingibabaw ang katuwaan dahil sa reaksyon ni Rem.
"Palhak kang bruha ka! Huwag na huwag mo akong bibiruin! Nakakadiri kang babaita ka!" Umakto pa talaga siya na tila diring-diri sa akin.
Humagalpak naman kami ni Rina sa kan'yang reaksyon.
Akala mo talaga, e!