Abby's POV: Dahil wala pang birth certificate si Naven ay kaagad namin iyong pinaayos. Natuwa pa ako nang matapos makuha ang birth certificate ni Naven. "Saint Naven Soleman Kazlaudkas." Basa ko sa pangalang inilagay ni Rem sa birth certificate ni Naven. Sobrang akong natuwa nang makita iyon. Masaya ako kay Naven dahil kahit paano ay may nabuo na sa kan'yang pagkatao. Iyon ay ang mabigyan ng pangalan ng kan'yang ama at kahit hindi niya ako tunay na ina ay natutuwa parin ako. Kinabukasan, habang nagwawalis ako sa labas ng bahay ay may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Napakunot ang aking noo nang makita ang babaeng bumaba sa galing roon. "Ang kapal naman ng mukha mong magpunta rito!" Singhal ko sa kan'ya. Halos kumulo ang dugo ko nang makita siya na animo'y may-ari ng lupaing kin

