Abby's POV: Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay parang kay bigat na ng pakiramdam ko. Ang sakit sa dibdib na malaman na sandali lang pala ang pagsasama ni Serah at Zamiel dahil maaga silang binawian ng buhay. Kung ako si Serah dati? Sino naman kaya ng Zamiel ngayon? Ma-meet ko din kaya siya katulad ni Corson? Nang dumating ako ng bahay namin ay ang masayang boses ng tatlo ang aking narinig; si mommy, si daddy at si sipsip na bruha. Ewan komba kung bakit kumukulo ang dugo ko sa babaeng iyon. Siguro dahil sa plastic nitong pag-uugali. Kunwari mabait pero pagtalikod mo ay ubod pala ng maldita. "Ah, tita? P'wede niyo pa akong suklayan?" Rinig kong tawag ni Charmaigne sa aking mommy na agad naman kinuha sa kamay nito ang suklay. Kung ako susuklay d'yan uubusin ko lahat ng buhok niya paran

