ABBY'S POV: I used a red lip plumper to make my lips plumper and pinched my cheeks to make them look rosy. Nang maalalang maglalagay nga pala ako ng maskara ay natawa ako sa aking sarili. Oo nga pala, hindi niya masisilip ang pisngi ko dahil sa maskara na aking suot. Tanging mga mata ko lamang ang makikita niya kaya naman naglagay ako ng kulay green na contact lens upang hindi niya malaman ang tunay na kulay ng aking mga mata. Nagpa-bleach ako last week kaya naman ng lagyan ko kanina ng washable hair color na red ang buhok ko ay agad kumulay iyon. Nang makumpirmang ayos na ang aking mukha ay isinuot ko na ang aking red lacey panty. Matapos magsuklay ay inilagay ko na ang aking maskara. Nang masiguradong mukha na akong kaakit-akit ay agad na rin akong lumabas at nagtungo sa usapan nami

