Abby's POV: Matapos kaming mag-jogging ay inimbitahan niya akong mag-almusal sa kan'yang bahay na inoohan ko naman. Why not naman kasi 'di ba? Mukha naman siyang mabait talaga kaya hindi na ako nag-alinlangan pa. Isa pa, kapatid siya ni Rem. Hindi niya naman siguro ako gagawan ng kalokohan sa loob ng bahay niya 'di ba? Hindi rin naman siya manyak tingnan. Ang pogi niya nga at ang ganda niya magdala ng damit. "Feel free to feel at home. Kukuha lamang ako ng coffee at bread natin." Pagkaalis niya ay agad akong naglakad-lakad upang tingnan ang kan'yang paligid. Mahilig din pala siya sa vintage katulad ko. Hilig ko na ang mga 'yun simula pa ng bata ako. Pagpasok ko ng bahay niya ay namangha ako napakalinis ng loob ng bahay niya. Parang hindi karaniwang bahay ng isang lalake.Bukod sa min

